Balik-tanaw: Mga karaniwang gamit noon ng classic Golden Gate notebook

Image via Johnny Emocling | Facebook
  • Classic nang maituturing ang Golden Gate collegiate notebook
  • Sa Facebook group na Alaala at Kasaysayan sa Likod ng Lumang Larawan, isa sa mga miyembro ang nagbahagi ng larawan ng isang lumang Golden Gate notebook
  • Sinariwa ng FB group members ang mga naging gamit ng kanilang classic collegiate notebook noon

Isa ka rin ba sa napakaraming estudyante na gumamit noon ng Golden Gate collegiate notebook? May mga alaala rin ba na ibinabalik sa iyo ang classic na kuwadernong ito?

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na Alaala at Kasaysayan sa Likod ng Lumang Larawan, isa sa mga miyembro ang nagbahagi ng larawan ng isang lumang Golden Gate notebook — isang post na nagbalik sa napakaraming alaala.

“Naaalala pa ba natin ang notebook na ito? Ginagamit pa noon na sulatan ng love letters tapos ‘pag walang pandikit, dinidikitan lang ng kanin,” pagbabalik-tanaw ng nag-upload ng larawan na si Johnny Emocling.

“Ganiyan ang notebook ko noon at iyan ang ginawa kong slam book,” pagbabahagi naman ng isa sa mga miyembro na si John Azares Gebilaguin Napoles.

“Special notebook iyan. Lahat ng aking knowledge, lectures from the notes in the blackboard diyan sinusulat. At ‘pag umuulan, ‘yan ay pampandong ko. Hindi basa ang notes kasi waterproof. Nalalagas lang ang binder sa dulo, tinatahi ng sinulid dahil ngumanganga ‘yon spiral,” kuwento ni Tonette Batoon Asay.

“Ang ginagawa ko, fino-fold ko ang leaves niyan para maging half lang notebook lang, pagkatapos ay nilalagay ko sa back pocket ng pants ko. Wala nang dalang bag kapag ganoon,” ani Ernesto Alarcon.

Image via Johnny Emocling | Facebook

Ikaw, ano ang gustong-gusto mo sa classic na notebook na ito? Ang hitsura? Ang pagiging matibay nito? Ang pagiging notebook ng bayan? Ang abot-kayang presyo? O ang mga alaalang nakakabit dito? Siguro, gaya ko, ang tugon mo ay “all of the above.”

Sources: Facebook

Loading…