Bida pa rin ang saya: Lumindol man, nanatiling kumakain ang dalawang suki ng fastfood chain

Imahe kuha mula kay Jhay Chad Gray via Facebook
  • Nagkaroon ng malakas na pagyanig sa North Cotabato nitong Miyerkules at naramdaman ito sa Gensan 
  • Isang netizen ang nagbahagi ng video ng dalawang customer ng fastfood chain na mas piniling magpaiwan at patuloy na kumain sa loob na tila walang nangyari
  • Ganito rin ang laman ng imahe na ipinost ni Jhay na pinag-usapan ng mga netizens

Isang lindol na may lakas na 6.3 ang yumanig sa North Cotabato nitong Miyerkules, 7:30 ng gabi, ayon sa Philvocs.  Sa Gensan ay naramdaman ito sa intensity IV.  Kasabay ng naunang  balita na ito ay may isang  kakaibang kuwento na sikat ngayon sa nasabing lungsod.

I-click ang imahe para makita ang videoo na kuha ni KM Ante via Facebook

Isang video ang inupload ni KM Ante na kuha niya sa labas ng mall sa Gensan matapos naramdaman ang paggalaw ng lupa.  Sabi niya sa post, “Sana lahat matapang.  Yong feeling na nasa baba na kami lahat tapos sila chill lang na kumakain.  OMG.  Lind0l na mamsh.”

Ayon sa kanya, kumakain sila sa Jollibee.  Noong lumind0l, tumakbo palabas ang isang crew at sumunod na rin ang iba.  Dahil sa takot ay dali-dali na rin silang umalis ng mga kasama niya.

“Sobrang dami ng tao na nagsitakbuhan pababa po. Tapos yung iba na-rattle kasi masikip pababa po sa escalator.”

Nasa pangalawang palapag ang fastfood na ito at dadaan ka pa ng isang escalator bago marating ang exit ng gusali.

Subalit noong karamihan sa kanila ay nakalabas na ay agaw-pansin ang dalawang customers ng fastfood na tila ‘di man lang natinag sa lakas ng pagyanig.  Kitang-kita sa salamin na dingding ng Jollibee na kalmadong-kalmado at kumakain pa rin ang dalawa.

“Nasa baba po kasi kami non tapos sakto doon po sila nakaupo. Siguro po sila na lang naiwan kasi ‘yung time na palabas kami sa Jollibee ‘di ko na tiningnan kung sino pa andun.”

Sa video makikitang marami ang nakatingin sa kanila at may napasigaw pa na, “Laban lang. Laban! Hoooh! Basta Jollibee bida ang saya!”

Kaparehong eksena rin ang ibinahagi ni Jjhan Ghad Gray.  Sabi niya sa post, “Sana all hindi matakot kahit na malakas ang lindol.  Kain pa rin. Ingat ang lahat.”

Imahe mula kay Jhay CHad Gray via Facebook

Sa mga litrato ni Jhay, punong-puno ang labas ng mall ng mga taong mula sa loob habang kitang-kita pa rin ang dalawang customer na  iyon na walang reaksyon at nakadungaw sa mga nasa ibaba na karamihan ay mga  crew ng fastfood na iyon.

Ano naman kaya ang sabi ng mga netizens? Narito ang iilan:

“Lind0l lang daw iyon.  Gutom na sila.  Food is life!”

“Til crack do us part.”

“Kain, kasi sayang ang bayad.”

Mapapailing ka na lang na sa kabila ng nakababahalang mga sitwasyon ay may mga taong kalmado pa rin itong hinaharap. Marahil ay ayaw lang nilang sumabay sa nagpa-panic na publiko?

Nandoon ka ba sa kaganapang iyon? Nagawa mo ba ang duck, cover and hold? O mas pinili mong maging mahinahon  sa iyong kinalalagyan?

Sources:  Facebook   Facebook   ABS CBN News

Loading…