Bombero, nagbigay ng CPR sa isang tuta upang masagip ito

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN via Facebook
  • Isang tuta ang sinagip ng bombero sa loob ng nasusun0g na bahay
  • Pagkasagip ay binigyan ng bombero ang nakuryenteng tuta na nawalan ng malay ng cardiopulmonary resuscitation o CPR
  • Dahil sa kaniyang aksyon, umani ng papuri ang bomberong nagligtas sa tuta
Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN via Facebook

Iba’t iba ang uri ng trabaho dito sa mundo. Mayroong mga nagta-trabaho sa loob ng opisina habang ang iba naman ay sa kanilang bahay mismo o work from home, habang ang iba naman ay nasa labas o field work.

Mahalaga ang pagbibigay ng 101% effort tuwing nagtatrabaho; lalo na kung maraming buhay ang nakasalalay kung paano mo gagawin ang iyong trabaho.

Kalimitan sa mga trabahong ganito ay iyong mga pulis, doktor, nars, at bombero. Ang huli ang masasabing isa sa pinakadelikadong trabaho dahil sa posibleng panganib na kalakip nito.

Tuwing nagkakaroon ng sunog, ang mga bombero ang unang-unang rumeresponde dahil ito ang kanilang trabaho.

At sa tuwing sila ay rumeresponde, nakasalalay dito ang kanilang kaligtasan at ng mga biktima.

Kaya naman hindi basta-basta ang trabaho ng mga bombero. Trabaho nila ang puksain ang sunog na nangyayari sa isang lugar, gusali, o bahay at tiyakin na masagip ang sino mang mga nasa loob nito.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN via Facebook

Kinakailangan na mailabas mula sa nasusunog na lugar ang kahit sino man, at sa kaso ng bomberong si Albert Mendoza, pati na rin ang mga hayop ay kinakailangang sagipin.

Naging tanyag ang volunteer firefighter na si Albert Mendoza pagkatapos lumabas ang video habang sinasagip niya ang tuta mula sa nasusunog na bahay.

Sa interview kay Mendoza ng DZMM, napag-alaman na habang rumeresponde sa nasusunog na lugar, nakarinig daw sila ng kahol ng tuta na tila humihingi ng tulong mula sa loob ng isang nasusunog na bahay.

Ngunit pagkadampot umano ni Mendoza sa tuta upang iligtas ito ay nakuryente siya at naihagis niya ito sa live wire. Nang kinuha ulit niya ay wala na umanong malay ang tuta.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN via Facebook

Kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na bigyan ng cardiopulmonary resuscitation o CPR ang tuta upang masagip ang buhay nito. Ito umano ang unang pagkakataon na nag-CPR siya ng isang tuta, at lubos ang kaniyang pasasalamat nang pagkaraan ng halos tatlong minuto ay nagkaroon na ng malay ang tuta.

“Naantig ‘yung damdamin ko, hindi ako nagdalawang-isip na tulungan at buhayin siya,” ani Mendoza. Naibalik na ang tuta sa may-ari nito at umani si Mendoza ng papuri dahil sa kaniyang ginawa.

Si Mendoza ay 41 anyos na ngayon at halos limang taon nang volunteer firefighter. Ayon pa sa kaniya, mayroon din siyang sampung alagang aso sa kaniyang bahay.

Source: YouTube, Facebook, ABS-CBN News, ABS-CBN News

Loading…