‘Gusto ko rin!’ Doraemon-inspired house, pinagkaguluhan ng netizens

Images via Crazymix | Facebook
  • Pinagkaguluhan ng mga social media users ang isang Doraemon-inspired house
  • Sa Facebook page na Crazymix, ibinahagi ng admin ang ilang larawang kuha mula sa bahay na ang disenyo ay kinuha sa popular Japanese animated series
  • Maraming nagsabi na gusto rin nila ng ganoong klaseng bahay, habang ang iba ay nangarap ng tirahang inspired sa favorite cartoon character nila

Isa si Doraemon sa cartoon characters na talaga namang minahal ng napakaraming bata, kaya naman ganoon na lang ang tuwa ng netizens nang makita ang isang bahay na inspired sa nasabing karakter.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Crazymix ang ilang larawan mula sa tirahan na kinuha ang inspirasyon sa Japanese animated series na umere simula noong 1979 hanggang 2005; isang post na nakakuha ng libo-libong reactions at shares. Marami ang nagsabi na gusto rin nila ng ganoong klaseng bahay, habang ang iba ay nangarap ng tirahang inspired naman sa paborito nilang karakter.

May mga nagbiro rin na baka puro hopia — ang favorite food ni Doraemon — ang pagkain sa bahay.

Samantala, ang iba ay naghangad na makita man lang sana sa personal ang bahay. Gayunman, as of posting, wala pa ring ibinibigay na detalye ang page kung saan ito matatagpuan.

Si Doraemon, isang robotic cat na nagmula sa 22nd century, ay pansamantalang naninirahan sa tahanan ng Nobi Family; kung saan siya itinuring bilang isang tunay na bahagi ng pamilya. Sa lugar na kinaroroonan din ng mga Nobi ay nakatagpo ng mga kaibigan si Doraemon, kabilang na si Nobita Nobi na itinuturing niyang best friend sa kabila ng pagiging “pasaway” nito.

Image via IMDb

Gamit ang mga kakaibang bagay mula sa hinaharap, laging to the rescue si Doraemon kay Nobita. Bukod pa rito, ang mga bagay na ito rin ay ginagamit niya para mapasaya ang kanilang mga kaibigan.

Tunay nga namang bahagi na ng kabataan ng maraming henerasyon ang panonood ng animated series na Doraemon. Nagsimula bilang manga series noong 1970, hindi maitatangging nag-hit ang cartoon series nito kaya hanggang ngayon ay minamahal pa rin ng mga tao ang mga karakter dito.

Sa Pilipinas, ipinalabas din ang Tagalized version ng nasabing series, at kinaaliwan at minahal ito ng napakaraming batang Pilipino.

Sources: Facebook, IMDb, Wikipedia,

Loading…