Homeless man na nagsauli ng pitaka, ‘di tumanggap ng reward at masaya na sa palamig

Image via Julie Ann Presnillo | Facebook
  • Ibinalik ng isang matapat na homeless man ang pitaka ng isang babae
  • Hindi ito tumanggap ng kahit anong reward mula sa may-ari at masaya na sa isang baso ng palamig
  • Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, umani ng papuri ang katapatan ng lalaking ito na sa kabila ng kakapusan sa buhay ay pinili pa rin gawin ang tama

Bagama’t hindi ganoon kadali para sa iba nating mga kababayan ang araw-araw na pagharap sa mundo, nakatutuwang isipin na pinipili pa rin ng iba na gawin ang tama; ang piliing makinig sa kanyang konsensya sa kabila ng pagkalam ng sikmura.

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, ikinuwento ng miyembrong si Julie Ann Presnillo ang tungkol sa homeless man na nagsauli ng kanyang pitaka, sa kabila ng kakapusan nito sa pera at kawalan ng maayos na matutuluyan.

“Kanina, habang kumakain ako sa Marikina, ‘di ko napansin na nalaglag na pala ang wallet ko. Lahat pa naman ng IDs ko nandito sa wallet, saka po may perang laman. Sa sobrang dami ng dumaraan doon, mabuti na lang at siya ang nakakita. Kinalabit niya ako, ‘yon pala ‘yong wallet ko nasa lapag na. Sobrang thankful ako sa kanya. Napakabuti mo. God bless you po. Sana magkita pa tayo soon. Mag-iingat ka palagi,” saad ni Presnillo sa caption ng litratong ibinahagi niya.

Hinangaan g maraming socciasl media users ang lalaki. Batid daw kasi nila na hindi madali ang buhay para sa lalaki ngunit ginawa pa rin nito ang nararapat kahit walang hinihintay na anumang kapalit.

Kuwento pa ni Presnillo, hindi ito tumanggap ng anumang reward mula sa kanya. Maging sa iniaalok niyang pagkain ay tumanggi ito at mas pinili na lamang hingiin ang palamig na iniinom niya.

“Niyaya ko pa siyang kumain kaso ayaw niya. Hiningi lang niya ‘yong palamig tapos nagmamadali na siyang umalis. Sana magkita pa tayo, kuya,” wika ng natulungan ng homeless man.

Image capture from Facebook

Source: Facebook

Loading…