Imahen na nanatiling buo sa kabila ng nangyari sa Star City, nagbigay ng inspirasyon

Image via DJ Diego Bandido and Star City logo
  • Nakuhanan ng larawan ang isang imahen na nanatiling buo sa kabila ng naganap na sun0g sa Star City kamakailan
  • Ibinahagi ng Love Radio DJ na si Diego Bandido sa kanyang Facebook page ang litrato ng imahen 
  • Nagdala ito ng inspirasyon sa kanyang Facebook followers

Sa napakaraming pagkakataon, may mga bagay, tao, o pangyayari na dumarating o nagaganap para magbigay ng pag-asa at inspirasyon kung kailan natin ito kailangang-kailangan.

Star City logo

Nalungkot ang marami sa sun0g na naganap kamakailan sa Star City; isa sa mga paboritong pasyalan ng mga bata man o matatanda.

Dahil sa insidenteng ito, marami ang nalungkot habang sinasariwa ang mga alaalang nabuo rito kasama ang mga mahahalagang tao o habang ipinagdiriwang ang mga masasayang okasyon at kaganapan; mga panahon at pagkakataong hindi na maibabalik pa kailanman.

At dahil din sa nangyari, tila naabo rin ang mga paparating pa lamang na sandali; mga pagkakataon sanang magsaya sa lugar na ito kasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay, lalo na ngayong malapit nang sumapit ang Pasko.

Ngunit katulad  sa napakaraming pagkakataon, may isang bagay na biglang naghatid ng inspirasyon — ang natagpuang imahen na nanatiling buo sa kabila ng naganap na sun0g.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng Love Radio disc jockey (DJ) na si Diego Bandido ang litrato ng imahen na hindi natup0k, kahit pa halatang mula ito sa isang apektadong bahagi ng Star City.

Image capture from Facebook

Aniya sa caption ng litrato, nasunog na ang iba pero ang po0n ay nanatiling buo.

Sa comments section ng larawan, maraming naglagay ng “amen” at may nagsabi rin na marahil ay milagroso ang imahen sa larawan na ibinahagi ng popular na DJ.

Matatandaang malapit lamang sa Star City ang Manila Broadcasting Corporation na nadamay din sa nasabing sun0g; habang nakaligtas naman ang Love Radio at ang iba pang FM radio stations ng MBC na Yes the Best at Easy Rock.

Sources: Facebook

Loading…