Kakaibang prutas na yantok patok sa sustansya

Image via Pixabay
  • Ang prutas na yantok ay may kakaibang balat na maihahalintulad sa balat ng ahas
  • Susubukin din ang sikmura mo sa sobrang asim nito na minsan nang naibahagi sa video ni Anne Clutz na isang kilalang Pinay make up guro
  • Napakasiksik sa sustansya ng prutas ng yantok kagaya ng Vitamin C, A, iron at iba pa

Ang sikat na yantok na karaniwang ginagawang kasangkapan sa bahay ay may prutas  na kakaiba ang itsura pero punong-puno naman ng sustansiya.

Littuko kung ito’y tawagin ng mga taga Mt. Province at  Alimuran naman sa mga Ilocano,  ang prutas na ito ay kasinlaki ng lanzones at may balat na maihahalintulad sa balat ng ahas.

Image via Pixabay

Kakaiba man ang itsura nito sa karaniwang prutas punung-puno naman ito ng sustansiya na importante para sa malusog na pangangatawan.  Narito ang iilan:

  • Magandang isama ito sa pagkain ng mga nagdidiyeta dahil sa mataas na fiber na nagdudulot ng pagkabusog.  Dahil dito ay hindi agad makararamdam ng gutom.
  • Mataas ang Vitamin C nito na nakapagpapaganda ng balat at para ma-idelay ang pagtanda at pagkulubot nito.  Nakapagpapalakas din ito ng immune system para maiwasan ang pagkakasakit.
  • Mataas ang beta-carotene nito na pinagmumulan ng Vitamin A na tumutulong para sa malinaw na paningin.
  • Mataas ito sa iron na napakahalaga para sa mga anemic upang  tugunan ang mababang supply ng RBC (red blo0d cells).

  • Ang calcium sa prutas ng yantok ay mainam para mapanatili ang tibay nga ating puso at mga buto lalo na sa mga buntis.
  • Ang araw-araw na pagkonsumo nito ay nakatutulong sa pagdumi.
  • Maaari nitong malabanan ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman dahil inaayos nito ang mga nasirang cells na puwedeng magdulot ng cancer.

Subalit hindi rin inirerekomenda ang pagkain nito nang sobra sa limang piraso sa isang araw dahil maaari itong magdulot ng kahirapan sa pagdumi.  Hindi rin ito maganda para sa mga may impeksiyon sa tiyan dahil hindi ito madaling matunaw.

Samantala, kamusta naman kaya ang lasa nito?  Ihanda ang sarili ninyo kasi patok din ito sa asim kaya gano’n na lamang ang reaksyon ng isang kilalang Pinay make up guro na si Anne Clutz sa kanyang bidyo na “Rattan Fruit Challenge.”

Imahe mula sa video ni AnneClutzVlogs via YouTube Channel

Ang yantok ay karaniwang namumunga mula Agosto hanggang Oktubre.  Sa ibang parte ng bansa ay ginagawa itong alak, pickles at jam.

Nakatikim ka na ba ng prutas na yantok?  Kuwento mo naman sa amin ang iyong naging karanasan.

Sources:  ABS-CBN   YouTube   Layog Country Farm

Loading…