‘Kamukhang-kamukha ni RY!’ Pamangkin ni Rico Yan, pinasaya ang fans ng late actor

Images via Nemrac Sogubac Amlap | RYCB FOREVER
  • Napansin ng mga fans ng dating matinee idol na si Rico Yan ang malaking pagkakahawig nito sa kanyang pamangkin
  • Sa Facebook group na RYCB FOREVER, ibinahagi ng isang fan ang mga litrato ng anak ng kapatid ni Rico na si Geraldine
  • Ang aktor ay yumao noong Marso 29, 2002 

Maraming taon na rin ang lumipas simula noong lumisan ang dating matinee idol na si Rico Yan pero hanggang ngayon ay binabalikan pa rin ng RYCB (Rico Yan-Claudine Barretto) fans ang kanyang mga alaala — kaya ganoon na lamang ang tuwa ng mga ito nang mapansin ang pagkakahawig ng aktor at ng isa sa kanyang mga pamangkin.

Image via @ricoyanclaudine | Instagram

Sa Facebook group na RYCB FOREVER, ibinahagi ng isang fan ang mga litrato ng anak ng kapatid ni Rico na si Geraldine.

“Share ko lang, mukhang magkamukha yata sila ni Lodi Rico Yan, o. Dimple na lang ang kulang, RY na RY na talaga siya. Isa sa mga pamangkin niya,” saad ni Nemrac Sogubac Amlap sa caption ng mga litratong ini-upload niya sa grupo.

Sumang-ayon sa kanya ang iba pang mga miyembro ng nasabing grupo; may mga sumaya, mayroon din mga nangulila sa kanilang idolo, habang may mga humiling na sana ay maging artista rin ito kagaya niya.

Biglaang pamamaalan ni Rico Yan

Sa unang pagkakataon ay ipinaghanda niya ng pagkain ang mga kaibigan. Naging mahaba ang gabing iyon para sa kanilang barkada. Natulog siya noong ika-2 ng umaga ng Marso 29, 2002.

Image via Nemrac Sogubac Amlap | RYCB FOREVER
Yuma0 ang aktor noong araw din na iyon dahil sa acute hem0rrhagic pancreatitis habang siya ay natutulog. Narinig umano si Yan na umuungol noong ikaanim ng umaga subalit inakala ng kanyang mga kaibigan na basta naghihilik lamang ito. Ikasiyam ng umaga noong petsang iyon nang gisingin siya ng isang kaibigan ngunit napagtanto nito na wala na siya.

Loading…