Ken to Rita: Kahit wala kang crown, ikaw pa rin ang princess ko

Images via Ken Chan and Rita Daniela | Instagram
  • Kilig na kilig ang fans ng RitKen dahil sa isang Instagram post ni Ken Chan para sa ka-love team niya na si Rita Daniela
  • “Kahit wala kang crown, ikaw pa rin ang princess ko,” sabi ni Ken kay Rita
  • Sa teleseryeng One of the Baes, si Rita ang hinahanap na “Crown Princess” ni Ken

Kung may “Crown Princess” ang isa sa mga bida ng One of the Baes na si Grant, may prinsesa rin daw ang gumaganap nito na si Ken Chan–wala nga lang korona.

Image capture from Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ken ang litrato nila ng kanyang ka-love team na si Rita Daniela habang yakap-yakap niya ito at nilakipan ng isang maikli pero sobrang sweet na caption.

“Kahit wala kang crown, ikaw pa rin ang princess ko,” saad niya sa caption ng larawan na ibinahagi niya.

Sa teleseryeng One of the Baes, ang karakter ni Rita na si Jowalyn ang hinahanap na “Crown Princess” ni Ken. Ayon daw sa kuwento ng kanyang ina, malalaman mo kung sino ang para sa iyo dahil lalabas at magliliwanag ang invisible crown niya kapag nagkaharap na kayo. Nagkita na ang mga karakter nila noong bata sila at natitiyak daw ng karakter ni Ken na ito ang hinahanap niyang prinsesa.

Kinilig ang followers ng dalawa na bida ngayon sa isa sa mga pinakabagong Kapuso series. Marami tuloy ang nagtatanong ngayon kung nauwi na ba sa totohanan ang sweetness na mayroon sila onscreen.

“Yiieee, ang tamis! Totoo na ba?” tanong ng Instagram user na si @shelalagumamela.

“Ramdam ko ‘yong pagmamahal h’wag mo nang pakawalan!” wika ni @britokc_07.

“Puwede pasigaw! Waaaaaaah! Please kayo na lang. Huhuhu my #RitKen heart!” kumento ni @jackieterrones.

Image capture from Instagram

Maging ang young actress nga na si Jillian Ward ay napa-comment na rin. Isa pala ito sa mga tumatangkilik ng love team nina Ken at Rita sa My Special Tatay; kung saan sila unang nagkatambal at tinawag na “BoBrey” (Boyet at Aubrey).

Sources: Instagram,

Loading…