Kikitain ng ‘Doc Willie The Movie’, mapupunta lahat sa mga may sakit at mahihirap

Images via Dr Willie Ong's Health Tips | Facebook
  • Magkakaroon ng pelikula ang kuwento ng buhay ng doktor at public servant na si Doc Willie Ong
  • Sa Facebook, ibinahagi ng doktor na itatampok sa Doc Willie The Movie ang mga artista na sina PJ Abellana, Mariz Ricketts, Hero Angeles, at Rachelle Ricketts
  • Mapupunta lahat ng kikitain ng 2020 film na ito sa mga may sakit at mahihirap

Isasapelikula na ang kuwento ng buhay ng kilalang doktor at public servant na si Doc Willie Ong; isang film na naglalayong magbigay ng inspirasyon at nakatakda rin makatulong sa mga nangangailangan.

Image via Doc Willie Ong | Facebook

Sa kanyang Facebook pages, nagsimula nang magbahagi ng mga teaser ang doctor. Aniya, ganap nang sinimulan ang paggawa ng Doc Willie The Movie na ipalalabas sa susunod na taon.

“#DocWillieTheMovie actors: Heto na sila! Kamukha ba? Salamat kay Hero Angeles sa pagpayag sa role na young Doc Willie. Si Rachelle Ricketts ang gaganap na young Doc Liza, si PJ Abellana ang older Doc Willie, at Mariz Ricketts ay older Doc Liza. Next year po ipapalabas sa sinehan. Sh00ting na ngayon,” saad ni Doc Willie sa caption ng lumang litrato nila ng kanyang asawang si Doc Liza Ong noong 1993 na itinapat sa larawan nina Hero at Rachelle.

Pagbabahagi ni Doc Willie, layunin ng pelikula na magbigay ng inspirasyon, lalo na ang mga katulad niya noon na nawawalan na ng pag-asang lumaban sa hamon ng mundo.

“Layunin ng Movie ay magbigay ng inspiration sa mga depressed (tulad ko dati) at nawawalan ng pag-asa sa buhay,” wika ng doktor na kilala rin ngayon sa pagbibigay hindi lamang ng libreng medical assistance, kung hindi pati na rin ng mga payo sa buhay. Sa isang Facebook page pa lamang niya ay mayroon na siyang 11 milyong followers, as of posting.

Image via Doc Willie Ong | Facebook

Samantala, lahat ng kikitain ng pelikula ay itutulong daw nina Doc Willie at Doc Liza sa mga may sakit at mahihirap.

“Lahat ng kikitain namin sa movie ay itutulong….Kung papalarin ng Diyos ay makaka-raise tayo ng funds. Lahat ng paghihirap at pagsub0k ko ay ilalabas natin para matuto ang iba sa istorya. Walang papogi. Salamat sa Diyos sa paggabay sa atin. Salamat kay Reli De Leon, commissioner ng Philracom sa pag-produce ng movie,” wika ni Doc Willie.

Dito rin daw malalaman ng tao kung anong “hug0t” ang mayroon sa doktor na 25 taon nang tumutulong sa mga nangangailangan.

Sources: Facebook, Facebook

Loading…