Larawan ng ‘may anak na Jollibee’ na kinaaaliwan sa social media, may touching story pala

Images via Hanson Media and Events | Facebook
  • Kinaaliwan sa social media ang litrato ng “may anak na Jollibee”
  • Sa larawang ini-upload ni Sonny A Alarcon, makikita ang isang Jollibee mascot na may akay na maliit na batang naka-costume din ng Jollibee
  • Ang larawang ito pala ay mula sa photosh00t na pinangasiwaan ng Hanson Media and Events 

Saan pa nga ba dadalhin ni Jollibee ang kanyang supling? Saan kaya niya ito ipapasyal at pakakainin? Tinatanong pa ba iyan? Siyempre, sa Jollibee restaurant! Pero, teka, may anak na nga ba si Jollibee?

Image via Hanson Media and Events | Facebook

Bida ang saya para sa maliit na Jollibee na namataang kasama ang isang Jollibee mascot habang papasok sa Jollibee restaurant. Sa larawang ini-upload ni Sonny A Alarcon, makikita ang mascot habang akay-akay nito ang maliit na batang naka-costume din ng Jollibee. Aniya, sa wakas ay nagkaroon din ng anak si Jollibee.

Kinaaliwan ng marami ang nasabing post. Kanya-kanya rin silang hula sa pangalan ng maliit na Jollibee? Jolly Baby ba? Jollikid?  O baka naman daw Tiny Bee?

Pero ayon sa hashtag ng Hanson Media and Events, Jollikid ang tawag sa batang Jollibee.

Ang Hanson Media and Events ang siyang nangasiwa sa photosh00t ng matanda at batang Jollibee; alinsunod na rin sa nais ng mga magulang ng batang si Jordi. Bukod sa alam ng mga magulang na mahal ng kanilang anak si Jollibee, katulad ng children’s favorite ay napapasaya rin daw sila nang husto ng kanilang supling —  at nais nilang ibalik ang tuwang ito.

“‘Jajijee’ — ito ‘yong isinisigaw niya tuwing mapapadaan kami sa store ni Jollibee. Hindi p’wedeng hindi siya mag-iingay ‘pag nakita na niya si Best friend Jollibee. Mahilig din siyang tumambay sa statue nito at mag-‘hi’ na parang hinihintay niyang bumati rin ito sa kanya…. Laking Jollibee rin kami ng daddy niya…halos lahat ng dates namin ay sa Jollibee. So we are certified Jollikids! Ngayon, mayro’n na kaming Jordi,” saad ng ina ng bata sa caption ng album.

Image capture from Facebook | Hanson Media and Events

“Tulad ni Jollibee, she brought so much joy in our lives. And as she’s turning 2, here’s our little surprise for her. Ang magkaroon ng meet and greet sa kanyang favorite friend–and it was a success! Kitang-kita naman sa kislap ng mga mata niya. This was so priceless. Thank you so much for the joy, Jollibee!” pagpapatuloy nito.

Samantala, hindi lang mga ordinaryong tao ang natuwa rito. Ibinahagi rin ng Jollibee sa mismong Instagram account nito ang ilang larawan mula sa Jollibee Photosh00t.

“What an adorable mini-Jollibee!” saad ng Jollibee sa caption ng mga larawan.

Image capture from Facebook | Hanson Media and Events

Bisitahin ang Hanson Media and Events para makita ang iba pang mga larawan mula sa photoshoot ni “Jollikid”.

Sources: Facebook, Facebook, Facebook

Loading…