LOL: I Belong To The Zoo, zero ang score nang kantahin sa videoke ang sariling kanta

Images via @kaihonasan | Twitter
  • Zero ang nakuhang score ng I Belong To The Zoo singer na si Argee Guerrero nang kantahin ang sariling kanta sa videoke
  • Sa Twitter, ibinahagi ni Kai Honasan ang video ni Argee habang kumakanta ng I Belong To The Zoo hit song na Sana
  • Dito, ibinahagi ni Argee na zero ang nakuha niyang score; kasunod ng pag-a-upload ni Kai ng larawan ng score bilang pruweba

Habang nagkakasiyahan sa videoke ang ilang Pinoy musicians, pinili ng I Belong To The Zoo singer na si Argee Guerrero na kantahin ang hit song niyang “Sana”–pero, tama kaya ang naging desisyon niya?

Image capture from Twitter

Sa Twitter, ibinahagi ni Kai Honasan ang video ni Argee habang kumakanta ng I Belong To The Zoo hit song na Sana. Dito, pabiro pang nag-retweet si Argee at sinabing, “Kaboses ko si Kuya!”

Pero ang sumunod na tweet ay may kasama nang “Loudly Crying Face” emoji — pagkat zero daw ang nakuha niyang score sa sarili niyang kanta nang awitin niya ito. “Zero ‘yong score ko. Peksman. Zero,” wika ng popular singer.

At bilang pruweba, ini-upload ni Kai ang litrato ng screen kung saan naka-flash ang zero na score ni Argee.

May mga natawa sa reaksyon ni Argee. Mayroon ding nagsabi na mas mainam pa rin dahil sinubukan niya itong kantahin sa videoke. At mayroon din namang napahugot dahil sa nangyari.

“Zero ka rin naman daw sa sinulatan mo ng kanta,” ani Twitter user @eltrashcan.

Gayunman, higit pa sa nakuhang score ng sikat na mang-aawit at musikero, priceless para sa mga fans ni Argee ang pagkanta niya sa sariling kanta. As of posting, nakakuha na ng daan-daang retweet ang video niya habnag kumakanta at mayroon na rin itong libo-libong favorites.

Image capture from Twitter

Ikaw, mayroon ka rin bang mga nakakatawang karanasan sa videoke? Ibahagi sa comments section!

Source: Twitter

Loading…