Lolang nagtitinda ng mais kahit na umuulan, umantig sa puso at hinangaan

Image via MiracArl Barde | Facebook
  • Hinangaan ng marami ang isang matandang tindera ng mais
  • Sa kabila kasi ng katandaan, umulan man o umaraw, ay naglalako pa rin ito
  • Noong nakaraan ay nakuhanan ng larawan ang matanda habang nagtitinda sa gitna ng ulan

Sa gitna ng malamig at maulang panahon, kung kailan masarap humiga o humigop ng mainit na kape at kumain ng tsamporado, mas pinili ng isang matandang babae na ipagpatuloy ang kanyang dating gawi: ang magtinda ng mais. Sa Facebook, ibinahagi ng user na si Miracarl Barde ang ilang larawan ng masipag na lola.

Image capture from Facebook

“Umulan-umaraw, nagtitinda pa rin si nanay,” saad niya sa caption ng mga litratong ibinahagi niya.

Marami ang humanga sa kasipagan ng matanda. Anila, mabuti pa ito, hindi alintana ang hirap sa pagtutulak ng kariton at sa patuloy na pagtitinda kahit na umuulan, samantalang ang iba ay ayaw na ayaw magtrabaho kahit na malakas naman.

Marami rin ang naawa sa lola. Wika nila, nakalulungkot daw na makita itong naghahanapbuhay pa rin sa kabila ng edad.

As of posting, libo-libong social media users na ang nakakita ng post tungkol sa masipag na matanda. Hiling ng Facebook user na nagbahagi ng mga litrato nito, “Sana po bilihan po ninyo siya (ng tinda niya) ‘pag nakikita n’yo. Masayang-masaya na po siya (kapag ginawa ninyo iyon). Sana po may tumulong po sa kanya.”

Noong nakaraang taon ay hinangaan din ng marami ang isang masipag na sorbeterong naglako pa rin ng ice cream sa gitna ng bagy0, sa kabila ng katotohanang bumabagyo at malaki ang posibilidad na walang bumili ng itinitinda niya.

Sabi ng nag-repost ng litrato na si Jericho Laceda, “Ramdam ko ‘yong ganito, ‘yong tipong wala ka nang ibang gagawin kun’di ituloy ang buhay na meron ka ngayon.” Aniya, sana raw sa pamamagitan ng larawan ay mas pahalagahan pa ng mga taong makakakita ang mga biyayang mayroon sila.

Image capture from Facebook

Source: Facebook, DF News

Loading…