Lumang litrato, may nakapangingilabot na kuwento

Imahe mula Yahoo!
  • Isang lumang litrato ang kamakailan lang ay lumabas ulit sa iba’t ibang website at social media platforms
  • Ang larawan umano na ito na halos isang daan taon na simula noong kinuhanan ay “haunted”
  • Makikita kasi sa larawan ang isang sobrang kamay na nakapatong sa balikat ng isang babae sa larawan
Imahe mula Shutterstock

Oktubre na, at para sa maraming Pinoy, nalalapit na naman ang paglipana ng mga nakakatakot na kuwento.

Dahil sa Internet ngayon, marami nang daan upang makabahagi ng mga nakakatakot na kuwento, na hindi lang napapanood sa telebisyon. Sa social media pa nga lang tulad ng Facebook at Twitter ay marami nang mga netizens ang nagbabahagi ng kanilang mga nakapangingilabot na kuwento.

Minsan ay hindi lang kuwento kundi mayroon ding mga larawan at video ang ibinabahagi online upang mas kapani-paniwala ang kanilang mga kuwento.

Kada taon, maraming mga Pinoy ang nag-aabang sa Halloween special na mapapanood sa mga programa tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Rated K, at Magandang Gabi Bayan.

Kalimitan sa kanilang mga ipinapalabas na mga nakakikilabot na kuwento ay base rin mismo sa mga salaysay, litrato, at video na kumakalat sa social media.

Imahe mula Yahoo!

Kaya naman nitong paparating na Halloween, naglipana na sa social media ang mga nakatitindig-balahibong mga kuwento, larawan, at video na ibinabahagi ng mga netizens.

Kamakailan ay muling kumalat sa mga websites at social media platforms ang isang misteryosong larawan na mahigit 100 taon na simula noong kinuhanan.

Muling lumabas ang larawan online pagkatapos itong i-send ng may-ari na kilala sa pangalan na “Lynda” sa website na Belfast Live.

Ayon kay Lynda, muli nilang nakita ang larawan na ito ng kaniyang lola na pagmamay-ari ng kaniyang ama 100 taon na ang nakararaan.

Makikita sa larawan ang mga kababaihan na nagta-trabaho umano sa bukid. Sa litratong ito ay nakahalukipkip ang mga kamay ng mga babae, at kung pagmamasdang maigi, may misteryosong nakasama sa larawan.

Ayon kay Lynda, ang litrato raw na ito ay “family ghost picture” na namana ng kaniyang ama mula sa kaniyang lola.

Imahe mula Yahoo!

Sa lumang larawan, makikita ang isang sobrang kamay na nakapatong sa balikat ng isang babae na nasa kanang bahagi.

Ayon kay Lynda, hindi tiyak kung kaninong sobrang kamay ang nakasama sa litrato dahil lahat naman ng kamay ng mga kababaihan ay nakikita.

I don’t really believe in ghosts,” ani Lynda. “but there have been a few odd going-ons around this photo, so I hope this doesn’t cause any more!

Sources: Yahoo!, Aol

Loading…