‘Magkasama na sila’: Litrato ng mag-inang Amalia at Liezl, umantig sa maraming puso

Image via Memories of Old Manila | Facebook
  • Marami ang naantig sa litrato ng mag-inang Amalia Fuentes at Liezl Martinez
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, nagbalik-tanaw ang maraming miyembro matapos may magbahagi ng larawan ng dalawa habang nakasuot ng matching outfits
  • Si Liezl ay anak ni Amalia sa dati niya asawang si Romeo Vasquez 

Naantig ang pus0 ng maraming social media users nang makita ang isang lumang litrato ng mag-inang Amalia Fuentes at Liezl Martinez.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ng FB group na Memories of Old Manila ang larawan ng mag-inang aktres na sina Amalia at Liezl; o Amalia Amador Muhlach at Anna-Lisa Sumilang-Martinez sa tunay na buhay. Sa litrato, makikita ang batang si Liezl na nakaakbay sa kanyang ina habang suot ang kanilang matching outfits.

“Old portrait of Amalia Fuentes with daughter Liezl Sumilang in matching mother-daughter fashion,” saad ng nagbahagi ng larawan na si Afredo Nicolas.

Marami ang nag-iwan ng komento sa litrato ng mag-ina na pareho nang yuma0. Sabi ng ilan, tiyak na magkasama na ngayon ang mag-ina kung nasaan man silang dalawa.

“Reminiscing happy memories!” sabi ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Auring Legasto Escueta.

“They’re together now,” ayon naman sa netizen na si Luzvilla Jaramilla.

“Si Amalia, sobrang mahal niya si Liezel. Sobrang mahal,” pag-aalaala ni Olivia Panlilio.

Image via Alfonso Martinez | Facebook

Si Liezl ay anak ni Amalia sa dati niyang asawa na si Romeo Vasquez, na isa ring Pinoy movie legend. Naging isa siyang child sensation noong 1970s. Bago lumisan sa mundo ay naging bahagi ng Movie and Television Review and Classification Board kung saan siya nakapag-ambag nang husto. Dahil dito, ang fourth floor board room ng building nito ay tinawag na Liezl S. Martinez Hall.

Samantala, taong 2013 nang gawin ni Amalia ang kanyang huling pelikula na Huwag Ka Lang Mawawala. Nitong Oktubre lamang ay yuma0 ang Pinay movie queen sa edad na 79 matapos nitong maging bedridden sa loob ng apat na taon matapos maparalisa.

Sources: Facebook, Kicker Daily News, DF News

Loading…