Mga magsasaka, mag-uuling, at simpleng tao, espesyal kay Van Gogh

Image capture from YouTube
  • Ipinaalala ng isang retiradong newspaper editor at alagad ng sining kung gaano kasimple ang naging pamumuhay noon ng bantog na pintor na si Vincent van Gogh
  • Ito ay sa gitna ng mga diskusyon sa pagdating ng Van Gogh Alive sa Pilipinas
  • May mga nagsasabing nakikiuso lamang ang iba kaya nakaabang sa exhibit, habang may mga naniniwala na ang sining ay para sa lahat

Bago pa man dalhin  sa Pilipinas ang Van Gogh Alive ay naging matunog na ang pagdating nito sa bansa.

Image via Bonifacio Global City | Facebook

May mga nagsasabing nakikiuso lamang ang iba kaya nakaabang sa exhibit, may mga nagsasabi na pinagpipiyestahan na ito ng mga wala naman talagang alam sa sining dahil sa estado nila sa lipunan, habang may mga naniniwala na ang sining ay para sa lahat. Ngunit pagpapaalala ng isang ng isang retiradong newspaper editor at alagad ng sining, simple lamang ang naging pamumuhay noon ng bantog na pintor na si Vincent van Gogh. Sa madaling salita, hindi sosyal.

“Mainit ang balitaktakan ng ‘art enthusiasts’ sa nalalapit na exhibit ng paintings ni Vincent van Gogh sa BGC. Hindi naman pasosyal si Van Gogh, mga ineng at mga inong. Nag-paint siya habang naghihirap, kapiling ang mga simpleng tao, magsasaka, mag-uuling (coal miners), at lahat ng mga pinakakawawa sa buhay,”saad ng dating editor na si Dindo Balares.

Inalala rin niya ang mga pagkakataon kung kailan walang pumapansin kay Van Gogh; na, sa katunayan, ay isang obra lamang ang naibenta sa buong buhay niya: ang The Red Vineyard at Arles.

“Lalong ironic…multi-milyones na dolyar na ang halaga ng kanyang paintings na pinag-aagawan ng mga bilyonaryo, samantalang walang kaalam-alam ang mga simpleng tao, magsasaka, mag-uuling, at lahat ng mga pinakakawawa sa buhay na sila naman talaga ang pinakamamahal ni Van Gogh,” sabi pa ni Balares.

Image capture from Facebook

BALIK-TANAW. Sa isa sa mga episode ng Doctor Who, dinala si Vincent van Gogh sa gallery na nagtatampok sa kanyang mga koleksyon. Panoorin ang emosyonal na tagpong ito:

Silipin kung ano ang mayroon sa Van Gogh Alive experience sa pamamagitan ng video na ito:

Sources: Facebook, Facebook, Biography, vincentvangogh, YouTube

Loading…