Marikina City, pagtutuunan ng pansin ang sports para ilayo ang mga kabataan sa bisyo

Image via Marikina PIO
  • Isa sa mga magiging prioridad ngayon ng lungsod ng Marikina ang sports development program
  • Ani Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro magiging healthy na ang mga kabataan, mailalayo pa sila sa bisy0
  • Kabilang sa bumubuo ng Marikina City Sports Commission ang isa sa mga opisyal ng Department of Education-Marikina

Sa paglalayong gawing healthy at ilayo ang mga kabataan sa bisy0, isa na sa mga magiging prioridad ngayon ng City Government ng Marikina ang pagkakaroon ng sustainable sports development program.

Image via Marikina PIO

Sa isang pagpupulong, iniatas ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang pagda-draft ng isang sustainable sports development program na naglalayong i-promote ang sports sa mga kabataan at ilayo sila sa posibilidad na magkaroon ng bisy0. Dito ay nakausap niya ang Marikina City Sports Commission members at hiniling sa Department of Education (DepEd)-Schools Division Office sa Marikina na gumawa ng isang programa para ma-train ang student-athletes.

“Isipin ninyo na maging sustainable ang sports development program para sa mga batang tini-train natin. ‘Yong disiplina sa laro ay nasa sarili nila,” ani Teodoro. “Pero hindi mangyayari ang lahat ng ito kapag walang sports development program. At hindi tayo makakabuo ng sports development program pag kumuha lang tayo ng professional na gagawa nito o kaya may gagawa lang para sa atin.”

Ang mga sports na magiging focus ng programa ay volleyball, basketball, soccer, softball, sepak takraw, baseball, table tennis, badminton, arnis, at pep squad. Wika ng alkalde, popondohan ito ng local school board at ang gagamitin sa mga sports event ay ang three-hectare Marikina Sports Center na ngayon ay mas pinagaganda pa.

Image via Marikina PIO

“Wala akong activity o event na tinitingnan o pinagtutuunan. Gusto ko araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan, may mga programa tayo sa sports. Para sa ganoon, makakapasok dito sa sports center ‘yong mga bata at makapaglaro. ‘Yon ang bubuuin natin,” sabi pa ng mayor.

Ang Marikina Sports Center ay itinayo noong 1969 sa ilalim ng administrasyon ni Rizal Governor Isidro Rodriguez, Sr. bilang Rodriguez Sports Center. Binili ito ng Marikina sa Rizal noong 1995.

“Sayang ang facility na ito dahil napabayaan ng mga nakaraang administrasyon. Napaka-ideal ng setup ng imprastrakturang ito. Nagbago ito dahil nawalan ng pagpapahalaga ang mga dating nakaupo. Iyong ipinundar ni dating governor Isidro Rodriguez ay nawala,” binigyang-diin ni Teodoro.

Ang sports center ay mayroong olympic-sized track oval at swimming pool. May mga pasilidad din ito para sa tennis, football, badminton, basketball, table tennis, athletics, and taekwondo, at iba pang sports. Ang dalawang grandstands nito ay may total seating capacity para sa 15,000 katao.

Pagkatapos ng kanilang pulong, nagsimula ang alkalde na mag-inspeksyon sa sports center upang tingnan ang mga posibleng gawin at pagandahin sa nasabing sports complex.

Source: Marikina PIO

Loading…