Masipag na estudyanteng nagtitinda ng balut habang nag-aaral, hinangaan

Images via Ariane Reanoga Tabalan | Facebook
  • Hinangaan ng maraming social media users ang mga batang nagtitinda ng balut
  • Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, ibinahagi ng isa sa mga miyembro na si Ariane Reanoga Tabalan ang ilang larawan ng bata
  • Marami ang naantig at humanga sa estudyante dahil sa pagsisikap nito para makapag-aral

Sa kabila ng kahirapan, hindi natitinag ang isang batang babae sa kagustuhan nito na makapagpatuloy sa pag-aaral; isinasabay ang pagtitinda ng balut sa paggawa ng mga takdang-aralin, at iba pa.

Image via Ariane Reanoga Tabalan | Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Ariane Reanoga Tabalan ang litrato ng isang bata na gabi-gabing nagtitinda ng balut sa Malanday, Marikina City. Aniya, naaawa siya sa sitwasyon ng mga batang magbabalut sa kanilang lugar, katulad ng batang babae na namataan niyang nag-aaral sa puwesto, lampas alas dose na ng madaling-araw nitong nakaraan.

“Ito na naman po ako para ipaalam ang kalagayan ng mga batang magbabalut dito sa Malanday. Naaawa po talaga ako ‘pag nakikita ko sila araw-araw kasi 12 pasado na po nasa labas pa rin sila at nagtitinda,” aniya.

Sa kabilang banda, humahanga rin daw siya sa kasipagan ng mga bata pagdating sa pag-aaral.

“Nag-aaral pa rin nang mabuti. Ang sipag ng mga batang ito,” wika ng nag-post.

Bagama’t may liwanag naman na nagmumula sa bakery kung saan sila nakikiupo para magtinda, hiling pa rin ni Tabalan na sana ay dumating ang araw kung saa’y  hindi na kakailanganin pa na isabay ng mga bata sa pag-aaral ang isang panggabing trabaho na katulad ng pagtitinda ng balut.

“Mas maganda po sana kung sa bahay na sila, natutulog ang gumagawa ng assignments para makapag-focus sila sa pag-aaral. Sana po ay matulungan sila,” saad niya sa kanyang post.

Image capture from Facebook

Marami ang nagpahayag ng paghanga sa mga batang magbabalot.

“Hindi sila mayaman pero ‘yan ang yaman nila, ang mga anak. Lalo na ganiyan kapursigido mag-aral,” ani Lyn Enriquez.

“Kudos sa mga bata. Sana lahat ng bata tulad nila,” wika ni Yrr Ech Anne.

May mga nagsabi rin na handa silang tumulong sa mga batang ito, kahit man lang sa regular na pagbili ng balut sa kanila.

Image capture from Facebook

 

Source: Facebook

Loading…