Nostalgia: Iba’t ibang alaalang kakabit ng classic Pinoy chocolate na Serg’s

Images via Klasik Titos and Titas of Manila, and Serg's Chocolates | Facebook
  • Isa sa mga paboritong tsokolate noon ang Pinoy chocolate na “Serg’s”
  • Noong 2001, nag-file ang “Serg’s” ng bankruptcy at yuma0 rin si Sergio “Serg” Goquiolay
  • Sa isang Facebook group, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng klasik na tsokolate

Isa sa mga paboritong tsokolate sa loob ng ilang dekada ang chocolate na “Serg’s”; masarap, gawa sa Pilipinas, paborito ng mga Pilipino. Dahil dito, hanggang ngayon ay hinahanap-hanap pa rin ng mga Pinoy ang klasik na tsokolateng ito na bumuo sa kanilang kabataan.

Image via Serg’s Chocolates | Facebook

Dahil waring kakabit na ng “Serg’s” ang nostalgia, binalikan ng marami ang mga alaalang karugtong ng pagkaing ito nang mag-post ang isang miyembro ng Facebook group na Memories of Old Manila tungkol dito.

“Ang tsokolateng Pinoy-made. Naaalala n’yo pa ba?” tanong ni Jeff Ramos, ang nag-post ng mga larawan ng “Serg’s”.

“This chocolate will always remind me of my late mother. Kain daw siya nang kain no’ng pinagbubuntis n’ya ako,” pagbabahagi ng isa mga members ng group na si Bong Morta.

“Mahirap lang po kami noon kaya bihira makabili n’yan pero nakatikim ako n’yan, masarap talaga,” ani Irish Shiel Inigo.

“Even Serg’s chocolate was just a Philippine local brand, napakasarap delicious siya, tamang-tama lang sweetness n’ya. Parang imported s’ya, very smoothy fine texture n’ya like Switzerland chocolates,” papuri ni Airah Go. “I miss Serg’s bars.”

“Palaging uwi ng tatay namin. Basta umalis s’ya, pagbalik may dalang Serg’s,” kuwento ni Mhel Isidro.

“Big time ka ‘pag nakabili ka niyan. Tuwing Pasko lang ako nakakain ng Serg’s, mahal kasi,” wika ni Virginia Valenzuela. Siyang tunay; pagkat ang maregaluhan ka nito o makatanggap sa exchange gift sa paaralan ay malaking kagalakan na noon.

As of posting, nakakuha na ng libo-libong reactions at daan-daang kumento ang nasabing post.

Image capture from Facebook

Ang “Serg’s” ay ipinangalan kay Sergio Goquiolay; ang anak ng founder nito na si Anton Goquilay. Taong 1954 nang simulan ni Anton ang Serg’s Products, Inc. at ang naging flagship nito ay ang Serg’s Candy Bars. Dahil sa pagiging masarap, talagang tinangkilik ng mga tao ang “Serg’s”. Sa loob ng halos limang dekada ay marami ring pinagdaanan ang Pinoy brand ngunit lahat ay nalampasan nito.

Gayunman, noong 2001 ay nag-file ang “Serg’s” ng bankruptcy at sa taong din iyon ay yuma0 si Sergio.

Sources: Facebook, Pepper,

Loading…