Nostalgia: Mga alaalang dala ng alitaptap, sinariwa ng mga minsan ay naging bata

Image via Arianne May | Facebook
  • Sinariwa ng mga batang 90s ang mga alaalang kakabit ng mga alitaptap
  • Sa Facebook group na “We are 90’s (Kami ang Batang 90’s)”, ibinahagi ng isang miyembro ang litrato ng isang nagliliwanag na alitaptap
  • Marami ang nagsabi na kabilang ang mga alitaptap sa mga nagpasaya sa kanilang kabataan 

Isa ang mga alitaptap sa mga magagandang bagay na madalas naiuugnay ng marami sa kanilang kabataan; sa mga panahong simple lamang ang lahat, sa mga gabi na ang maliliit na liwanag ng mga ito ang nagbigay sa kanila ng tanglaw.

Image via Pixabay

Sa Facebook group na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), ibinahagi ng isang miyembro ang litrato ng isang nagliliwanag na alitaptap. Marami ang nagsabi na kabilang ang mga alitaptap sa mga nagpasaya sa kanilang kabataan, kanya-kanyang bahaginan ng mga karanasan nila sa nasabing insekto.

“May ganito pa ba sa lugar n’yo, mga ka-90s? Dito sa amin dati napakarami, kaso lahat ng bukid at gubat dito naging subdivision na ngayon,” pagbabahagi ng nag-post ng litrato na si Arianne May?.

“Wala na rito sa ‘min. Dati ang dami. Hinahabol ko pa minsan,” tugon ng isa sa mga miyembro na si Ron Montallana.

“Noong bata ako, ‘pag pumapasyal kami sa probinsya ng lolo at lola ko, gabi-gabi ang dami pero bigla na lang sila nawala, hanggang ngayon wala na,” ani Kenneth Ruba.

“Dito sa ‘min sa probinsya, dati kahit sa mga puno lang sa labas ang dami n’yan ‘pag gabi. Ang liwanag ng punongkahoy, parang may Christmas light. Nakaka-miss ang mga panahong nagdaan,” wika ni Jerold Busilig.

Image capture from Facebook

“Fireflies, hinuhuli pa ng lolo ko ‘yan noon, gamit niya sumbrero niya para pag-uwi namin. Ilalagay sa bote or plastic pagkatapos isasabit,” kuwento ni Engel Dela Torre.

Samantala, kuwento ng iba, mayroon pa rin daw mga alitaptap sa mga lugar nila. Nakalulungkot lang na maraming bata sa ngayon ang kailan man ay hindi pa nakakakita ng alitaptap.

Source: Facebook

Loading…