Nostalgia: Umiilaw na Jollibee stamps, nagbalik ng maraming alaala

Image via Kami ang Batang 90's | Facebook
  • Maraming alaala ang ibinalik ng larawan ng isang set ng Jollibee stamps
  • Sa Facebook page na Kami ang Batang 90’s, ibinahagi ang litrato ng set ng iconic Jollibee stamps
  • Bahagi ng nasabing set ang mga Jollibee characters na hindi na natin nakikita ngayon

Natatandaan mo pa ba ang mga umiilaw na Jollibee stamp na nauso noon? Isa ka ba sa mga nagpabili nito sa iyong mga magulang? Nakumpleto mo ba ang set? Dala mo ba palagi ito sa eskwelahan at halos maubos mo rin ba ang iyong papel sa katatatak gamit ang mga ito?

Image capture from Facebook

Sa Facebook page na Kami ang Batang 90’s, ibinahagi ang litrato ng set ng iconic Jollibee stamps. Tanong ng administrator ng page, “Sino nagkaroon nito? Umiilaw tapos puwedeng pantatak.”

Bumalik sa nakaraan ang maraming social media users dahil sa nasabing post.

“Wala ako pero nakagamit ako n’yan hahahaha,” kuwento ng netizen na si Ryan Kristoffer Macato Otero.

“Mayro’n niyan classmate ko no’ng elementary. ‘Di ko afford ‘yan, nakiki-stamp lang,” ani Lambatin Cabrillos Kwin Jan.

“Noong bata ako, kaunti lang na laruan ng Jollibee ang mayroon ako, ‘yong Jollibee na radyo saka walkman na FM radio. ‘Yon lang. Tapos dati ‘pag may laruan kang Jollibee mayaman ka na. Hahahaha! Pero ‘yong anak ko ngayon halos lahat na yata ng Jollibee at McDo mayro’n na siya, kumpleto pa ‘yong iba,” pagbabahagi ni Quimmy Peralta.

“‘Pag nagche-check ako ng papel ng kaklase, tinatatakan ko ta’s pumipirma ako,” pagbabalik-tanaw ni Aiden Joy Labadia.

“Ay, mayroon ako nito. Ang dami ko niyan dati, ngaun wala na. Naitapon ko na. Hay, kung alam ko lang, itinago ko sila,” saad naman ni VLnte Nikki.

Image via Kami ang Batang 90’s | Facebook

Tampok sa ipinakitang set ng page mula sa “Joem’s Jollibee Collection” ay ang mga Jollibee characters na narito pa rin hanggang ngayon na sina Jollibee, Hetty, Twirlie, Popo, Mr. Yum. Present din ang boxer na si Champ na sumisimbolo sa Champ Premium at ang puting inahin na si Chickee na representasyon naman ng Chickenjoy.

Sources: Facebook, FilipiKnow

Loading…