Panawagan ng isang netizen na nakaranas ng lindol: Sana magkahiwalay ang evacuation center ng single at taken

Imahe kuha via @ Rowell Divina | Facebook
  • Matapos ang nangyaring pagyanig sa Davao nitong Oktubre ay  isinalaysay ni Rowell Divina ang kanyang naging karanasan sa isang video
  • Naging trending ang kanyang panawagan sa Facebook na sana’y magkahiwalay ang evacuation center ng mga single at taken
  • Si Rowell ay isang nars at vlogger na kinagigiliwan ng marami dahil sa kanyang mga nakaaaliw na Bisaya hugot videos

Normal na ang mangamba at matakot matapos ang isang ‘di inaasahang pangyayari kagaya ng lind0l. Inaalala natin parati na sana’y ligtas tayo pati na ang mga mahal natin sa buhay.

Imahe kuha mula sa video ni Rowell Divina via Facebook

Subalit, naiiba ang hugot ng Davaoeño na si Rowell Divina.  Ang kanyang lampas tatlong-minutong video kung saan siya seryosong nanawagn at nagpahyag ng kanyang karanasan ay mas nagpatawa kaysa nagpaiyak sa karamihan.

Kuwento ni Rowell, dahil sa lindol nang araw na ‘yon, Oktubre 29, ay napagtanto niyang kawawa pala ang mga single sa panahon ng kalamidad.  Kung bakit?  Narito ang kanyang kuwento:

Maaga raw siyang lumabas dahil may bibilhin.  Habang nasa loob ng establisimyento ay biglang yumanig.  Dahil dito, sinabihan silang mag-evacuate at agad-agad naman siyang lumabas.

“Masaya na ako kasi nasa labas na ako. Safe na ako. At pagkita ko sa paligid ko, nasaksihang kong nagyakapan ang mga magkasintahan.  Naghawakan ng kamay.  May hinalikan sa noo. Sabi ko, ganito lang din pala ang makikita ko sa labas, mas mabuti pang nagpaiwan na lang ako sa loob. Hindi ninyo sinabi na kailangang may kasintahan pala paglabas.  Sana natabunan na lang ako ng karton o semento sa loob kasi pare-pareha lang din ang sakit. ”

Hiling ni Rowelll na ayusin ng mga mag-aanunsyo ang pagkakasabi.  Sana raw ganito, “Sa mga  may kasintahan lumabas na pero ang mga single maiwan lang muna sa loob.” Dahil daw pag lalabas  masasktan lang din sila.

Panawagan niya na sana sa susunod ay magkaiba ang evacuation center ng mga single at taken.

“Kagaya kanina, nalito ako kung ano ang mararamdamn ko. Nalungkot ako.  Nangamba ako.  Na-trauma ako.  Natakot ako.  Tapos makakakita ka pa ng magkasintahan, masasaktan ka pa.  Mixed emotions na  masyado.  Ang ending nito mababaliw na lang ako kasi kahit anu-ano na ang nararamdaman ko, ” mangiyak-ngiyak niyang pahayag.

Imahe via @Rowell Divina | Facebook

Sa huli, nanawagan siya ulit na sana paghiwalayin ang evacuation center ng single at taken at huwag nang sabihin pang, “Sana all!” kasi alanganin na masiyado para sa kanila na mga single.  Para raw sa mga magkasintahan, maging sensitive naman sila kasi hindi lang naman sila ang nalindol.  Pareho lang naman daw sila ng kinatatayuang lupa sa mga single. Sana raw yakapin din nila ang  mga single, damayan at makipagtulungan sa ganitong mga pangyayari dahil magkakapatid naman silang lahat.

Ang post na ito ay may halos 6k reactions at 4k shares na.

Si Rowell ay isang nars at vlogger na kilala sa paggawa ng mga  Bisaya videos na nakaka-good vibes.  Paboritong hugot niya ay patungkol sa pagiging single,

Mabuti na lang at may mga taong marunong magpasaya sa atin sa ganitong panahon.  Lalo na sa Mindanao na sa buwan ng Oktubre ay makailang beses nakaranas ng pagyanig.

Samantala, tunghayan natin ang video ni Rowell.

I-click ang imahe upang mapanood ang video ni Rowell Divina via Facebook

Sources:   Facebook   YouTube

Loading…