‘Pare namin noon, prinsesa namin ngayon’: Pagkakaibigang ‘di binitawan sa kabila ng malaking pagbabago, hinangaan

Images via HugotBeki | Facebook
  • Hindi nagbago ang samahan ng isang barkada sa kabila ng  maraming pagbabago na dumating sa pagkakaibigan nila
  • Sa Facebook page na HugotBeki, ibinahagi ang kuwento ng magkakaibigan na hindi nagbago ang turing sa kanilang “dating pare na ngayon ay prinsesa na”
  • As of posting, nakakuha na ng lampas 10,000 reactions at mahigit 20,000 shares ang kuwento nila

Ang tunay na pagkakaibigan, walang pinipiling estado, kulay, kasarian, at iba pa. Sa kabila ng malaking pagbabago na dumating sa isang barkada, hindi pa rin nagbago ang pagmamahal at respeto nila sa isa’t isa.

Image capture from Facebook

Sa Facebook page na HugotBeki, ibinahagi ang kuwento ng magkakaibigan na hindi nagbago ang turing sa kanilang “dating pare na ngayon ay prinsesa na”; bagay na lalo pang nagpatibay sa kanilang samahan.

“Pare namin noon, prinsesa namin ngayon. ‘Yong mga tropa mong kahit beks ka na e nandiyan pa rin sila para sa ‘yo,” saad sa caption ng mga larawan.

Marami ang naantig sa kuwento ng pagkakaibigan ng nasabing barkada. Anila, hindi lahat ay ganoon ang nagiging sitwasyon pagkatapos magpakatotoo.

“Iyan ang tunay na kaibigan! Kahit anong mangyari, matatag pa rin ang pagkakaibigan! Amen!” ani Arlen Datz.

“Saludo ako sa mga taong gan’yan. ‘Yong iba, nakalilimutan na rumespeto, e,” sabi naman ni Samantha Hazel.

Hiling ng iba, sana raw ay maramdaman din nila ang pagmamahal at pagtanggap mula sa mga mahal nila sa buhay at malalapit na kaibigan.

Sa comments section ng post, nagpahayag ng pasasalamat sa kanyang mga kaibigan ang naging homosexual sa grupo na si Jolo Mariano. Aniya, “Sobrang proud ako sa kanila. Lagi silang nariyan, silang limang iyan.”

Image capture from Facebook

As of posting, nakakuha na ng lampas 10,000 reactions at mahigit 20,000 shares ang kuwento nila.

Source: Facebook

Loading…