Sarah G sa kanyang real-life ‘Happy’: Katulad ng mga dog, unconditional magmahal

Images via Viva Films and sipified.com
  • Sa pelikulang “Unforgettable”, ang asong si Happy ang maaasahang kaibigan ng karakter na ginagampanan ni Sarah Geronimo
  • Sa isang panayam, ibinahagi ni Sarah G kung sino ang Happy niya sa tunay na buhay
  • Ipalalabas na ang “Unforgettable” sa Oktubre 23

Ang asong si Happy ang maaasahang kaibigan ng karakter na ginagampanan ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang upcoming film na “Unforgettable”. Sa tunay na buhay, sino kaya ang maituturing na Happy ni Sarah G?

Unforgettable poster

Sa isang one-on-one interview, ibinahagi ng aktres kung sino ang kanyang real-life Happy. Aniya, mapalad siya sapagkat biniyayaan siya ng dalawang Happy.

“My parents. Katulad nila, ng mga dog, unconditional magmahal. Hindi perpekto ‘yong relasyon, like ‘yong dogs hindi rin perpekto, pero at the end of the day, kahit anong mangyari, hindi ka nila iiwanan,” wika ng bida sa pelikula.

Ang papel ni Sarah G sa pelikula ay isa raw “dream come true” para sa singer-actress dahil sa likas na pagmamahal niya sa mga aso. Bukod dito, masayang-masaya rin daw siya na gampanan ang role ng bidang si Jasmine dahil siya mismo ay mayroong mga natutunan sa karakter na ito.

“She will do anything and everything for the people she loves. Regardless kung kaya niya ba o hindi, talagang wala nang pag-iisip pa, gagawin lang niya. Ang galing ‘no?” wika ng aktres.

Sa pelikula, maglalakbay si Jasmine patungo sa Baguio para dalhin si Happy sa kanyang may sakit na lola. Isang malaking biyaya raw ang pagdating ng aso sa kanyang lola kaya naniniwala siya na mapapagaling nito ang matanda. Habang papunta, may makikilala silang mga tao at mayroong mga buhay na magbabago.

Image via sipified

Kung hindi mo pa napapanood, narito ang nakaaantig na trailer ng pelikulang “Unforgettable”, na ipalalabas na sa mga sinehan sa darating na Oktubre 23:

Loading…