Surgical operations na kadalasang P200,000-P500,000, libre na sa San Antonio, Pasig

Image via Barangay San Antonio, Pasig
  • Libre na sa isang barangay sa Pasig ang mga surgical operations
  • Kadalasang P200,000 hanggang P500,000 ang bayad sa ganitong klase ng operasyon
  • Batid daw ng pamunuan ng Barangay San Antonio kung gaano kabigat ang nasabing halaga para sa mahihira

Naghatid ng pag-asa sa mga mahihirap ang isang barangay sa Pasig City matapos nitong gawing libre ang mga surgical operation na kadalasang nagkakahalaga ng P200,000 hanggang P500,000.

Image via Barangay San Antonio, Pasig

Ayon sa pamunuan ng Barangay San Antonio, kamakailan ay pumirma na ito ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Victor Potenciano Medical Center, Inc (VRPMC); isang kasunduan na nagbibigay ng pagkakataon sa mga indigent residents na nangangailangan ng surgical procedures na sa sobrang mahal ay napakahirap para sa kanilang makuha.

“‘Yong surgery and other operations ay alam nating hindi affordable sa mga pangkaraniwang pamilya lalo na sa mga indigent nating kabarangay,” ani  San Antonio Chairman Thomas Raymond Lising.

“Kaya para makatulong at mabigyan ng sapat na atensyon ang karamdaman na kailangan ng operasyon, na hindi sila maglalabas ng pera mula sa kanilang bulsa, nakipagkasundo kami sa pribadong ospital para maisakatuparan ang proyekto,” pagpapatuloy niya.

Sa ilalim ng MOA, tutulungan ng VRPMC ang mga registered at indigent ng Barangay San Antonio, Pasig City nang walang kabayarang hinihingi.

Saad pa sa MOA, libre na ang surgical services ng inpatient and outpatient surgical care for adult, Philhealth/non-Philhealth members, sakop ang acute appendicitis; gallstone at gallbladder disease; thyroid goiter at iba pang uri ng tumors.

Ito ay napakalaking tulong sa mga kapus-palad na may mahigpit na pangangailangan para sa kanilang ikagagaling. Sumangguni lamang sa mga awtoridad na sumasakop sa kasunduang ito.

Image via Barangay San Antonio, Pasig

 

Source: Barangay San Antonio, Pasig

Loading…