Tumbler para kay teacher: Lalagyan ng tubig, itinitinda para sa gurong may kakaibang karamdaman

Images via Pixabay and Shine Victoria
  • Nagtitinda ngayon ng tumbler ang mga kaanak at kaibigan ng gurong si Mechaela Ines Reyes
  • Ito ay matapos siyang tamaan ng Viral Encephalitis at umabot sa mahigit P260,000 ang h0spital bill
  • Maaaring makatulong sa guro sa pamamagitan ng pagbili ng tumbler sa halagang P100 lamang

Makukulay at magaganda ang hitsura ng ibinebentang tumbler ng isang grupo ng mga guro sa social media, ngunit sa likod ng kagandahan ng mga mala-kristal na boteng ito ay nagtatago ang isang malungkot na kuwento — ang pakikipaglaban ngayon ng gurong si Mechaela Ines Reyes na pinahihirapan ng isang kakaibang k0ndisyon.

Image capture from Messenger

Sa isang panayam sa Kicker Daily News, ibinahagi ni Shine Victoria ang pinagdaraanan ngayon ng 45-anyos na pinsang si Mechaela, na tinamaan ng Viral Encephalitis at umabot na sa mahigit P260,000 ang h0spital bill, as of posting.

Bukod sa pakikipaglaban nito sa karamdaman, suliranin din daw kung saan kukuhanin ang ipambabayad sa lumalaking bill sa 0spital dahil wala nang trabaho ang asawa nito na may iniinda na ring pr0blema sa kalusugan.

“May anak po si Ate na junior high at ‘yong isa Grade 3 po. ‘Yong asawa po niya ay wala po work kasi na-stroke po. Sana po marami po ang pus0ng gustong tumulong,” aniya.

Sa kasalukuyan ay tinutulungan na rin sina Shine ng mga kapwa nila guro sa pagtitinda ng mga tumbler. Hiling ng mga nagmamahal sa may sakit na titser mula sa Emilio Jacinto Elementary School, sana ay suportahan ng mga tao ang kanilang “Tumbler for a cause” kung saan maaaring makatulong ang mga ito sa halagang P100 lamang kada piraso.

Image capture from Facebook

“Isang tumbler po, malaki na po ang mararating,” ani Shine. Hiling din niya na sana ay i-share ang kanyang post sa Facebook tungkol sa nasabing initiative, sa pag-aasam na makarating ito sa mga tamang tao.

Sources: Kicker Daily News interview, Facebook

Loading…