[Video] Sanggol na nagkaroon ng kumplikasyon, ngumiti nang sabihang uuwi na siya

Images via Christoffer Villaflores Laurente | Facebook video
  • Sumilay ang ngiti sa labi ng isang sanggol na nagkaroon ng kumplikasyon nang sabihang uuwi na siya
  • Ipinanganak na may kumplikasyon si Elesthelle Clodie Laurente na kung tawagin ay Spina Bifida with Myel0meningocele
  • Kasalukuyang nangangailangan ng tulong pinansyal ang pamilya at tumatanggap kahit barya na kasing liit ng 25 sentimos

Sumilay ang ngiti sa labi ng isang batang nagkaroon ng kumplikasyon nang sabihang uuwi na siya; para bang kahit sanggol pa lamang ay nararamdaman nang hindi sa 0spital ang kanyang tahanan.

Image via Christoffer Villaflores Laurente | Facebook

Ngunit bago tuluyang maranasan nang ganap ang mundo sa labas ng 0spital, kailangan munang mabayaran ng pamilya ng sanggol na si Elesthelle Clodie Laurente ang mga kulang nila sa ospital upang ma-discharge na sila.

Ayon sa ama ng bata na si Christoffer Villaflores Laurente sa kanyang panawagan, isinilang na mayroong Spina Bifida with Myelomeningocele si Baby Clodie. Dahil sa kalagayan nito noon na nangangailangan ng agarang operasyon, sa halip na maghintay at gawing charity case ang bata ay pinili nilang ipa-private ito. kapit sa patalim, ‘ika nga.

“Sobrang delikado kasi po…. Bilang tatay, mas mahalaga sa ‘kin ang buhay ng anak ko….Noong time na ‘yon wala akong ibang inisip kung hindi gumaling ang anak ko then kinabukasan po in0perahan po agad s’ya,” paliwanag niya.

Naging matagumpay naman ang dalawang 0perasyon. Matapang ang sanggol na nitong Setyembre 1 lamang isinilang at inopera sa kanyang ika-anim na araw. Talaga umanong lumalaban ang sanggol na si Baby Clodie.

Maituturing na isang himala rin na nabayaran na ang malaking porsyento ng kanilang bill sa pagamutan.

“Sa tulong po ng aking pamilya at mga kamag anak, sa mga kaibigan, sa mga katrabaho, sa mga concerned citizen and group organizations dito sa Facebook, sobrang nagpapasalamat po ako sa inyong lahat….At sa tulong po ng aming mga nalapitan na ahensya ng gobyerno, DSWD, DOH, Mayor, Congress, Senate, party-list, Office of the President, Raffy Tulfo, and more. Sobrang nagpapasalamat po ako sa mga Guarantee Letter na natanggap po namin mula sa inyo,” wika niya.

Image via Christoffer Villaflores Laurente | Facebook

Gayunman, hindi pa rin sila mai-discharge dahil sa kulang nila sa Doctors’ Professional Fees.

“Doctor’s Professional Fee. To be exact, ‘yan po ‘yong major pr0blem namin ngayon. Sa total bill po namin na P513,519.40, P423,000 po ang babayaran namin sa professional fee ng doctor. October 11 po for discharge na kami pero until now nandito pa rin po kami at patuloy pa rin na gumagawa ng paraan para po makalabas na si Baby. Hindi po kasi p’wede ang guarantee letter na nanggagaling sa ahensya ng gobyerno,” wika ni Christoffer.

Dahil dito, nananawagan ng tulong-pinansyal ang pamilya. Kahit daw maliit na halaga ay makatutulong sa kanila, kahit pa 25 sentimos na barya ay iipunin pa rin daw nila. kasalukuyan pa rin silang nasa Philippines Children’s Medical Center.

Maaari pong makita ang mga maselan na larawan ng kalagayan ng sanggol sa post ng kanyang magulang at ng tiyahin sa Facebook.

“Sa sobrang dami ng pinagdaanan po ng anak ko at sobrang tapang niya nakayanan niya lahat ng pagsubok ng Diyos,” ang pahayag ng ama ni Baby Clodie.

Sa gitna ng lahat ng pagsub0k, pag-asa ang dala sa pamilya noong ngumiti si Baby Clodie nang sabihang uuwi na siya:

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Sources: Facebook, Facebook

Loading…