11.11 one-day sale ng Lazada at Shopee pinagkaguluhan, Netizens nagpahayag ng kanilang karanasan

Imahe via Lazada at Shopee | Facebook
  • Bumida ang 11.11 sale ng Shopee at Lazada na matagal nang inabangan ng maraming suki
  • May mga nabigo, umasa at may matagumpay na nakabili sa pag-uunahan  ng mga mamimili sa shopping app
  • Para sa mga gusto pang mag-shoppng, makahahabol pa hanggang sa ika-14 ng buwang ito

Marami ang natuwa nang sabay-sabay na nagkaroon ng 11.11 one day sale ang Lazada at Shopee.

Noong isang buwan pa lang ay bumanat na ito sa mga  patalastas para mahikayat ang mga mamimili na paghandaan ang isang araw na sale.  Malayo man ito sa araw ng suweldo para sa karamihan, nariyan naman si credit card na sasalba sa iyong pangangailangan pinansiyal.  Kung gusto mong kaliwaan kayo ng seller, maaari mo itong “i-cash on delivery” para mas panatag ka sa iyong bayad.

Imahe mula Pixabay

Subalit kamusta kaya ang naging karanasan ng  mga madiskarte nating shoppers? Napagtagumpayan kaya nila ang pag-uunahan sa “add to cart”?  Narito ang ilang  komento ng mga netizens  mula sa Facebook page ng dalawang online shopping hubs.

Pagpatak ng 12AM, Nobyembre 11, 2011 ay dagsa na lahat ng online shoppers upang bumili subalit…

“Page keeps on crashing, I logged in at exactly 12am.”

Marami ang nagreklamo ng system error.  Hindi sila maka-add to cart o bayad dahil nawawala ‘yung page o ‘di gumagana ‘yung app.  Pati place to order ng ilan ay nawawala rin daw. Ganito ang nangyayari kapag marami ang sabay-sabay na pumapasok sa app.

“Inalog ko na nang todo. Pati katabi ko inalog ko na pero ang mataas na nakuha ko 0.68 lng hayyyyssss nagpuyat pa talaga ako para sa shake shake na yan.”

May Shopee Shake na promo na aalugin mo ang phone mo at puwede kang manalo ng motorsiklo, sasakyan o bahay at lupa.  Kung hindi ka naman susuwertehin ay coins ang puwede mong mapanalunan.

“SHOPEE SANA Ako na lang po ang mapili nyo house and lot po. Nakikitira lang po kasi kami para po sa mga anak ko.  Salamat po, Shopee.”

Imahe via Lazada at Shopee | Facebook

Iilan lamang ito sa mga naging komento ng iba sa 11.11 one day sale ng Shopee at Lazada pero marami rin naman ang matagumpay na nakabili ng mga gusto nila.

Para sa mga hindi nakasali sa 11.11 sale, may pahabol na 11.11 After Party Sale si Lazada at Thank You Sale naman si Shopee mula Nobyembre 12-14.  Kaya puwede pa kayong magshopping ulit!

Loading…