90s favorite: Mahilig ka rin bang kumain noon ng tsitsiryang Humpy Dumpy?

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Isa sa mga paboritong bilhin noon ng mga batang 90s ay ang tsitsiryang Humpy Dumpy
  • Bukod sa masarap at malinamnam, abot-kamay din ang presyo ng pagkaing ito at mayroon pang tingi na tigpipiso lamang ang isa
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga sandali kung kailan gustong-gusto nila itong binibili sa mga tindahan

Paborito mo rin ba noon ang tsitsiryang Humpy Dumpy?

Image capture from Facebook

Isa sa mga paboritong bilhin noon ng mga batang 90s ang tsitsiryang Humpy Dumpy. Bukod sa masarap at malinamnam, abot-kamay din ang presyo ng pagkaing ito at mayroon pang tingi na tigpipiso lamang ang isa. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga sandali kung kailan gustong-gusto nila itong binibili sa mga tindahan kapag nabibigyan ng pera ng magulang.

“One of my favorites! Hay, sana mahiram ko ang time machine ni Doraemon. Gusto kong bumalik sa pagkabata! Walang kasing saya at walang katulad ang buhay noong bata pa ako mahirap man ang buhay namin pero ang saya-saya!” pagbabahagi ng Facebook user na si Trix Montemayor.

“During my elementary days, ‘yan lagi ang binibili ko kapag time na ng recess hahaha,” wika ni Renante Obico Conche.

“Woooow! ‘Yong favorite ko noong bata ako. Kada punta ng nanay ko sa palengke, ito ang ipinapabili ko sa kanya ‘pag ‘di niya ako isinasama. Nakaka-miss. Parang four years old lang ako that time hahaha! Panggamot ni Nanay sa tampo,” kuwento ni Jamellah Sandigan Diocolano.

Image capture from Facebook

Samantala, hindi pa rin naman tuluyang nawawala ang nasabing 90s favorite, ngunit ngayon ay hindi na ganoon karami ang nagtitinda nito kaya naman hindi na rin madaling makabili kapag gusto mong kumain nito.

Ikaw, nami-miss mo na rin ba ito?

Source :

Facebook

Loading…