90s memories: Ang mga alaala at nostalgia na dala ng Nougat candy

Image capture from Facebook
  • Simple lamang kung titingnan ngunit marami ang nahilig sa Nougat candy noon
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ibinahagi ng “young once” ang mga alaalang kakabit ng classic na kendi na ito
  • Hindi maikakaila na naiiba ang lasa ng kendi na ito at talaga namang gugustuhin mong umulit pa kapag natikman mo na

Natatandaan mo ba ang old school candy na Nougat? Ang kendi na simple lang ang lalagyan ngunit masarap ang laman?

Image capture from Facebook

Simple lamang kung titingnan ngunit marami ang nagkahilig sa Nougat candy noon. Hindi maikakaila na naiiba ang lasa ng kendi na ito at talaga namang gugustuhin mong umulit pa kapag natikman mo na. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ibinahagi ng “young once” ang mga alaalang kakabit ng classic na kendi na ito. May mga nag-iwan din ng kumento sa lumang piso na kasama ng Nougat sa litrato.

“Of course! One of my favorites at ‘yang piso na ‘yan, mayroon pa ako. At hindi ganiyang piso ang inabutan ko, papel pa, at hindi piso isa,” pagbabahagi ng Facebook user na si Rhodora Santos.

“Elementary pa lang ako noong mauso ang Nougat. Noong una kong kain nito, ‘di ko maintindihan ang lasa, napakunat pa! ‘Yon pala ‘yong pagiging makunat, naroon ang sarap, lalo pa at may peanut bits pa, maalat-alat!” wika ni Ely Tapiador.

“Mayroon pa ba niyan? One of my favorite candies noong araw. Bata pa ako noon. Love it!” ani Erlinda Regudo Lopez.

“Yes! Present ako riyan! ‘Yong minsan mabibili mong sobrang lambot ta’s may mani pa,” kumento ni Christey Palagayan.

“Hahahaha those days! Iyan binibili namin dahil mura at masarap. One of my favorites,” sabi ni Cheraya Labs-Castillo.

Image capture from Facebook

Hanggang ngayon ay makabibili pa rin naman daw ng old school na candy na ito; hindi nga lang madaling makita kung saang tindahan pa mayroon nito.

Source :

Facebook

Loading…