Barangay sa Pasig na may 11,000 registered businesses, handa sa ‘Big One’ — Opisyal

Image via Barangay San Antonio, Pasig City
  • Handa raw ang isa sa pinakamaunlad na barangay sa Pasig City kung darating man ang “Big One”
  • Sumailalim kamakailan sa isang disaster preparedness training ang mga opisyal ng Barangay San Antonio, Pasig City
  • Ang nasabing barangay kasi ay lokasyon ng naglalakihang gusali at establisimyento;

Matapos ang mga sunod-sunod na pagyanig, nabuhay muli sa mga tao ang pangamba kaugnay sa pagdating ng tnatawag na the “Big One”; hindi lamang sa mga ordinaryong mamamayan kung hindi pati na rin sa mga namumuno.

Information from Barangay San Antonio, Pasig City

Kaya naman isa-isa nang gumagawa ng paraan ang mga nanunungkulan para mas maging handa ang mga nasasakupan nila kung darating man ang “Big One”. Kabilang sa mga naghahanda ay ang Barangay San Antonio, Pasig City na kamakailan ay hinasa ang opisyal sa mga dapat nilang gawin bilang mga mamumuno sa panahon ng sakuna, “Big One” man o hindi.

“Being able to adapt sa system ng disaster preparedness ang natutunan ng barangay namin. Hindi na kasi tulad ng dati na responde lang kami nang responde. Kailangan ay sundin na ang tamang protocols ayon sa Office of Civil Defense at ibang pang ahensya na tumutugon sa disasters,” aniya.

Malaking bagay daw ang pagiging handa sapagkat ang nasabing barangay ay lokasyon ng naglalakihang gusali at establisyemento. Sa katunayan, mayroon itong lampas 11,000 registered businesses.

Sa ngayon, natitiyak daw ni Lising na handa na ang kanyang mga nasasakupan sapagkat talagang maalam na ang mga opisyal na namumuno rito, kabilang siya na magsisilbing commander.

Image via Barangay San Antonio, Pasig City

“I believe that the whole Barangay San Antonio is well-prepared….Bilang ama ng Baranagay San Antonio, ako talaga ang magsisilbing commander ng buong barangay para masunod lahat ng proper protocols na natutunan natin sa seminar. Kailangan itong i- observe to efficiently help our kabarangays during disasters,” wika ni Lising.

Samantala, tiniyak niya na hindi rito matatapos ang lahat ng paghahanda at bukas pa rin sila sa mga iba pang uri ng preparasyon para matiyak ang kaligtasan ng tao, at maging ng mga naipundar na negosyo sa kanilang lugar.

Loading…