Batang madiskarte, gumagawa ng takdang-aralin sa tindahan ng gadgets

Imahe kuha mula sa video ni Fran Rusti | Facebook
  • Isang bata ang nakunan ng video na ginagamit ang isang binebentang gadget sa loob ng gadget store sa mall
  • Nalaman ng kumuha ng video na nakikigamit pala ito dahil gumagawa siya ng takdang-aralin
  • Marami naman ang humanga sa bata sa kanyang diskarte at sa tindahan ng gadgets dahil hindi ito ipinagdamot sa kanya

Minsan, diskarte lang ang kailangan natin sa buhay para makayanan ang anumang hirap na ating pinagdaraanan.

Imahe kuha mula sa video ni Fran Rusti | Facebook

Isang halimbawa rito ang  isang batang navideohan ng isang netizen sa mall.  Nasa loob ito ng bentahan ng mga gadget ng Samsung at nakikitang nagsusulat at ginagamit ang sample phone.  Tinanong ng nag-video ang bata kung ano ang ginagawa nito.  Nakiki-internet at nakikigamit pala ito ng gadget para maka-research ng kanyang takdang aralin.  Wala raw kasi silang internet at gadget sa bahay.

Ang video na ipinost ni Fran Rusti ay nakaantig puso ng mga netizens.  Hinimok niya na ishare ito para mapangalanan at matulungan ang madiskarteng bata.  Marami rin ang nagpahayag ng paghanga sa  pagsisikap ng bata na gumawa ng paraan para sa assignment niya.

“Masipag na bata.  Masuwerte ang iyong mga magulang dahil masipag ka mag-aral. Gabayan ka ng Panginoon.”

“Itong mga ganitong bata ang kalimitan nagiging successful sa buhya. Ginagawa nilang inspiration ang kahirapan sa buhay.  Sana malaman kung taga saan ka at maraming gustong tumulong sayong mabubuting kalooban.  Sana mapanuod ka ni sir Raffy Tulfo.  God bless you, boy.”

Pinuri rin ang tindahan ng mga gadgets na hindi ipinagdamot ang kanilang mg gadget at internet sa kanya.

Imahe via @Fran Rusti | Facebook

“Mas hanga din ako sa owner ng Samsung kasi hinayaan lang niya ang bata gamitin [ang gadget].   Ang iba nga diyan pag may pumasok na sa tingin nila walang kayang ibili hindi na pinapansin yon pa kayang gamitin ang sample.”

“Mabuting tao itong tagabantay ng Samsung store. Kung sino ka man, salamat sa ‘yo at hindi ka strikto. God bless you bata. Ipagpatuloy mo lang ang kasipagan mo. Makakamit mo rin ang pangarap mo.”

Marami ang nagpahayag na gustong tumulong.  Sana makilala na ito upang mabigyan ng mga pangangailangan na karapat-dapat sa kanya.

Source :

Facebook

Loading…