Bunga ng saging na sumakabilang bahay pinagkaguluhan ng mga netizens

Imahe vua @Emman Dwight | Facebook
  • Pinagkaguluhan sa Facebook ang post ni Emman Dwight at Mha Dee tungkol sa bunga ng saging na yumuko sa kabilang bakod
  • Ayon sa iba saka lang magiging iyo ito kapag nahulog na sa iyong bakuran
  • Samantala, binigyan ito ng kakaibang hugot ng iba na siguradong magpapatawa sa makababasa

Malaking pakinabang ang pagkakaroon ng puno sa iyong bakuran.   Bukod sa nakatutulong itong magbigay ng  malamig na silungan, ang bunga nito’y dagdag pagkain din sa inyong hapag-kainan.

Imahe via @ Emman Dwight | Facebook

Subalit paano kung hindi ito sa iyong bakuran namunga? Paano kung sumakabilang bahay ito? Maaari bang angkinin ng kapitbahay mo ang bunga? O kung saan tumubo ang ugat siya ang nagnamay-ari ng lahat?

Ganito ang larawang ipinost ng isang netizen na si Emman Dwight. Ang puno ng saging ay may bunga na nakasandig sa gilid ng pader  na nasa bakuran na ng  kapitbahay.  Tanong niya sa post niya, “So basically, sa amin na ba ang saging?”

Iba’t-ibang suhestiyon ang natanggap ni Emman. Nariyan ang  sungkitin na ang bunga dahil sa kanya na raw ito.  Ayon naman sa iba, magiging kanya lang ito kung natural na mahuhulog sa lupa.  Ito  ay base sa Article 681 of the Civil Code of the Philippines na nagsasabing fruits naturally falling upon adjacent land belong to the owner of said land.  Subalit ibinalita ni Emman na kinain na raw nila ito pang mirienda sa mga nagrerepack ng relief goods para ipamahagi sa Cotabato.  Malamang nagkasundo na sila ng kapitbahay.

Ang larawan ay muling ipinost ni Mha Dee at lalong naging viral dito.  Bukod pa diyan, maraming reaksyon ang siguradong magpapatawa sa bumabasa.

“Yong nasa iyo nga ang katawan pero ang puso ay nasa iba naman.  Wala ka nang magagawa kundi putulin na lang kesa ikaw naman ang nagmamay ari pero iba ang nakikinabang.”

Imahe via @Karl Michael Dee | Faceboik

“Kaya nga yong asawa ko sumakabilang bahay hinayaan ko na lang. Binigay ko na lang.”

“Kaya huwag kayong ma-fall sa hindi dapat . Charot.”  Oo nga naman.  Kailangan maging tapat subalit marahil sa bigat ng bunga ay napayuko ito sa kung saan mayrong masasandalan.

“Yong minahal mo at inalagaan napunta pa sa iba. Sad.” Hindi lang ito sa saging nangyayari kundi sa tunay na buhay rin.  Nakalulungkot!

“Nakakapit pa siya sa akin at hindi pa siya tuluyang natali sa ‘yo . Kaya akin ay akin!  Huwag mong agawin!”

Nangyari na ba ito sa inyo? Kinain ba ninyo, este isinauli ang nahulog na bunga ng tanim ng kapitbahay?

Loading…