Childhood photos nina Kathryn, Liza, at Nadine, kinagiliwan ng Instagram users

Image via @kathlizdines | Instagram
  • Kinagiliwan ng mga social media users ang childhood photos ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, at Nadine Lustre
  • Sa Instagram, ini-upload ng @kathlizdines ang mga lumang larawan ng tatlo sa pinakamakikinang na bituin ngayon sa entertainment industry
  • Natuwa at nakakuha ng inspirasyon ang mga Instagram users sa nasabing post

Natuwa at na-inspire ang social media users nang makita ang childhood photos ng paborito nilang Kapamilya stars.

Image capture from Instagram

Sa Instagram, ini-upload ng @kathlizdines ang mga lumang larawan ng tatlo sa pinakamakikinang na bituin ngayon sa entertainment industry na sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, at Nadine Lustre. Sa mga larawang ito pa lamang ay makikita na mga paslit pa lamang ang mga aktres na ito ay talaga namang naggagandahan na.

“These chubby cheek cuties are now gorgeously grown up to be a star not only in their family but also to us. Truly a queen [sic],” saad ng @kathlizdines sa caption ng mga litratong ibinahagi sa page nito.

Marami ang natuwa sa mga larawang ito. Bukod sa talaga namang kagigiliwan mo ang mga cute na batang nasa larawan ay mapapaisip ka rin kung gaano na kalayo ang narating nila. Sino nga ba ang makapagsasabi na paglaki ng mga batang ito ay hahangaan sila ng napakaraming tao dahil sa kanilang mga talento?

Si Kathryn, ang other half ng KathNiel at kapareha ni Daniel Padilla, ay ang nag-iisang Filipino actress na lumampas sa P800-million mark para sa dalawang movie; ang The Hows of Us (2018) at Hello, Love, Goodbye (2019).

Image via @kathlizdines | Instagram bilang isang address.

Si Liza, ang other half ng LizQuen at katambal ni Enrique Gil, ay itinuturing sa isa sa pinakamagagandang aktres sa loob at labas ng bansa. Nakilala rin siya sa kanyang husay sa pag-arte.

Samantala, si Nadine naman, ang other half ng JaDine at kapareha ni James Reid, ay patuloy na namamayagpag  sa larangan ng pag-arte, pagiging modelo, at iba pa.

Source :

Instagram

Loading…