Estudyante sa Albay na may dalang mga paninda sa eskwelahan, umantig sa puso’t hinangaan

Image via Analyn Pacao-Marco | Facebook
  • Habang ang ibang mga estudyante ay nagkukuwentuhan o nagsasaya pagkatapos ng klase, ang isang mag-aaral ay mas pinipiling magtinda ng pagkain sa paaralan
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Analyn Pacao-Marco ang mga larawan ng masipag na estudyante
  • Marami ang nakakuha ng inspirasyon at humanga sa mag-aaral 

Kung ang mga karaniwang estudyante ay nagkukuwentuhan o nagsasaya pagkatapos ng klase, ang isang mag-aaral sa Albay ay matiyagang nagtitinda ng mga pagkain sa pinapasukan niyang kolehiyo.

Images via Analyn Pacao-Marco | Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Analyn Pacao-Marco ang mga larawan ng masipag na estudyante na namataan niyang bitbit ang mga paninda nito sa isang community college.

“I saw this student of a community college in Albay, walking after class, bitbit ang kanyang mga paninda. I can’t help but to get inspired by people like them. When you see people working hard for their future, nakakahiya magreklamo na ang hirap ng buhay,” saad ni Marco sa caption ng mga litratong ini-upload niya sa nasabing social networking site.

Pagbabahagi niya, naisip niya na mapalad pala siya dahil may mga tumulong sa kanya na makatapos noon ng pag-aaral.

“I am still blessed that I have a mom, a lola, Uncle Steve, and relatives who helped me finish my degree. Every new day is a blessing, to make it better than yesterday,” wika niya.

Payo niya sa mga estudyante na mahilig magreklamo tungkol sa kanilang pag-aaral, sana ay maging masaya na lamang ang mga ito dahil mas mahirap ang situwasyon ng ibang mag-aaral, katulad na lamang ng nakuhanan niya ng larawan.

Image capture from Facebook

“To those students na ang hilig mag-complain na ang hirap mag-aral, petiks mode lang. Be thankful na hindi kayo nahihirapan maghanap pampaaral sa inyo. Ang suwerte ninyo, promise,” aniya.

Dahil sa post, maraming netizens ang nakakuha ng inspirasyon at humanga sa mag-aaral. As of posting, hindi pa rin tukoy kung ano ang pangalan ng estudyanteng ito.

Source: Facebook

Loading…