Ethel Booba muntikan nang hindi matuloy sa Tawag ng Tanghalan dahil nawalan ng boses

Imahe mula sa @ItsShowtimeNa | Twitter
  • Para maibsan ang namamalat na boses ay uminom ng alak si Ethel para makapagtanghal sa Tawag ng Tanghalan
  • Muntik na raw sana siyang mag-backout dahil sa hiya at sasali na lang bilang “resbaker”
  • Napansin din ni Nyoy Volante ang hirap niya sa pagkanta pero pinuri naman nito ang mga birit na ayon sa kanya ay buong-buo

Hinarap na ni Ethel ang madlang people para sa semi-finals round ng Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition noong  Miyerkules.  Bumirit siya sa kanta ni Celine Dion na “To Love You More.”  Hindi naman niya binigo ang mga tagahanga subalit kapansin-pansing may mga parteng hirap siya sa pagkanta.

Imahe mula sa @ItsShowtimeNa | Twitter

Nawalan pala si Ethel ng boses  dahil sa sakit ilang araw bago sumabak.

“Grabe, uminom ako! Kasi sa mga singer ganu’n, eh. Nakakaloka,” ayon sa kanya. “Muntik na ako talaga mag-back out kasi nakakahiya!” At dahil dito ay ninais niyang babawi na lang sana siya bilang “resbaker.”

Nahalata naman ng hurado na si Nyoy Volante ang hindi pagtumpak ni Ethel sa ibang nota. “May mga parts talaga na obvious na nahirapan ka to execute. But when the time came that you had to redeem yourself, grabe naman din talaga. ‘Yung birit mo, buong-buo, e. Parang walang sakit. Nakakabilib.”

Subalit dahil siya ang nakakuha ng “Madlang People’ss Choice”, makakatungo pa rin si Ethel sa next round kasama  si Apple Chiu na siyang nanalong “Hurado’s Choice sa araw na’yon.

Si Ethel na yata ang pinakahihintay at pinakapaboritong  contender ng Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions.  Noong mga nakaraang linggo ay hindi siya nakadalo  sa pre-semifinals show kung saan ibinida ang mga nanalong celebrities ng daily rounds.  Dahil dito ay nagkagulo ang mga tagahanga niya  sa Twitter nang hindi siya nasulyapan sa TV.  May dental appointment umano si Ethel kaya hindi siya nakadalo.

Imahe mula sa @ItsShowtimeNa | Twitter

Nobyembre 5 nang nag-tweet ang komedyante, “Iboto n’yo po ako bukas sa Tawag Ng Tanghalan. Ang botohan ay open to all network except GMA7 and TV5. Charot!”

Dahil doon, tuwang-tuwa ang kanyang mga fans at ipinakita sa kanya ang suporta sa text votes na nagpanalo sa kanya ng “Madlang People’s Choice” award.  Hindi lang din kasi siya magaling kumanta kundi inaabangan din ang kanyang pagpapatawa sa interview portion.

Good luck sa susunod na round, Ethel!

Loading…