First vlog ni mommy naudlot nang mawalan ng kuryente

  • Unang beses na sinubok gumawa ng vlog  ni mommy Queenly at ito ay tungkol sa pagrereview niya ng aralin sa “Health” subject ng kanyang anak na si JM
  • Habang tinatanong niya ang ang kanyang anak ay nawalan ng kuryente kaya isang black screen na lang ang makikita sa video
  • Nagustuhan naman ng isang kaibigan niya ang kanilang mother-child bonding at sinabing “classic” umano ang pagkawala ng ilaw

Nauuso na ang mga vlogs ngayon at live streaming.  Sa modernong teknolohiya gamit ang cellphone, madali ka nang makagagawa ng sarili mong videos.

Imahe kuha mula sa video ni Queenly Mendoza Cortez | Facebook

Ito sana ang plano ng isang hands-on mommy na si Queenly isang gabi.  Nalaman niyang magkakaroon ng pagsusulit sa araling “Health” ang kanyang anak na lalake na si John Manuel II, kaya’t pinlano niya na tulungan itong mag-review at kuhanan din ito ng video para gawin niyang unang vlog — marahil ay pang-pamilyang vlog ang nasa isip niya.

Pumuwesto na ang mag-ina sa lamesa at naghanda na para sa kanilang review sabay vlog. Makikitang bukas ang isang libro at sinimulan na ni Mommy ang kanyang vlog.

“Hi, everyone! We are now studying with Konkon,” bungad niya.

“Ma, don’t call me like that,” sabi ni JM.  Ayaw pa nitong  magpatawag sa kanyang palayaw.  Si JM ay siyam na taong gulang at  pangatlong anak ni Mommy Queenly at kasalukuyang nasa Grade 4.

Agad namang binawi ito ng ina, ” Ay, I’m sorry JM. So, JM, are you done na? Ok mag-read na ikaw.  Where are we now? Susceptible host.  What is susceptible host?”

“Wash hands properly, ” sagot naman ng kanyang anak.

Mukhang hindi nakumbinsi ang ina sa sagot ng anak kung kaya’t inulit niya ito, “What do you mean by susceptible host?…..(biglang nawala ang ilaw) Oh! It’s brownout!” na sinundan ng halakhak.

Isang black screen na lamang ang nakikita sa video nang ‘di inaasahang mawala ang kuryente.  Napatawa na lang si Mommy sa kinahinatnan ng kanyang kauna-unahang vlog. Isa ba itong senyales? Ayon nga  sa kanyang hashtag,  #Fail at #DiPinapahintulot”.  Well, naghatid naman ito ng good vibes sa kanyang friends.

Imahe kuha mula sa video ni Queenly Mendoza Cortez | Facebook

“What a wonderful mom-child bonding! The power cut was classic,” komento ng isang manonood. Oo nga. Hndi man lang nabigyan ng mas mahabang oras ang video ni mommy. Naputol agad-agad dahil nawalan ng kuryente.

May isang netizen rin ang nakapansin sa tawa ng ina nang “na-blackout” ang screen.  “Tunog pang kontrabida ba?” tanong ni Mommy sa kaibigan niya.

“Cute, nahiya sa nickname. Hihi,” puna naman ng isang kaibigan niya.   Mukhang nagbibinata na itong si JM kasi ayaw nang magpatawag sa palayaw niyang Konkon.

Tuluyan na ngang naudlot ang vlog ni mommy, kasi nang bumalik ang kuryente ay nag-focus na sila sa pagre-review.

Kaya eto na, sulyapan natin ang nakakatawang first vlog sana ni Mommy Queenly.

I-click ang imahe para mapanood ang video ni Queenlylove Mendoza Cortez via Facebook
Source :

Facebook

Loading…