‘Magandang tularan’: Manila Mayor Isko Moreno, nagpahayag ng paghanga sa Lungsod ng Marikina

Images via MPIO Team's Facebook account and Inside Marikina's website
  • Aminado si Manila Mayor Francisco Domagoso na humahanga siya sa sistema ng Marikina City
  • Sa isang speech, inisa-isa ng Manila mayor ang mga dahilan kung bakit matiwasay ang pamumuhay sa tinaguriang “Shoe Capital of the Philippines”
  • Matatandaang kamakailan lang ay tinawag na “model city” ng Department of the Interior and Local Government ang Marikina kasabay ng paggawad dito ng ‘Seal of Excellence in Governance’ award

Nagpahayag ng paghanga sa Lungsod ng Marikina si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Image via Isko Moreno Domagoso/MPIO Team | Facebook

Sa isang speech, inisa-isa ng Manila mayor ang mga dahilan kung bakit matiwasay ang pamumuhay sa tinaguriang “Shoe Capital of the Philippines”. Aniya, isa sa mga susi ng kaayusan sa lungsod ay ang mga mamamayan nito.

“Bakit ang mga taga-Marikina? Bakit matiwasay mamuhay sa Marikina? Alam n’yo kung ano? Maaliwalas. Kung nakita n’yo sa Marikina…ang bangketa, nadadaanan ng tao. May sapat na ilaw. Hindi magarbo. Pero ang key ng success ng Marikina ay ang kanyang mamamayan,” pagbabahagi ni Moreno tungkol sa lungsod na kamakailan lamang ay ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng “Seal of Excellence in Governance” award.

“Ipagtanong ninyo sa mga taga-Marikina rito. Sila, hindi basta-basta naglalabas ng basura ng bahay nila, dahil naniniwala sila na gagampanan ng gobyerno ang kanilang tungkulin. Ano ‘yon? Hakutin ang basura,” pagpapatuloy niya.

Wika ni Domagoso, isang huwaran ang Marikina at nararapat lamang na tularan ang magagandang gawi nito.

“Magandang tularan,” aniya. “Kasi kung nakita nating maganda ang epekto, kopyahin na natin….Ngayon, kapag kumopya tayo, pagbutihin natin.”

I-click ang imahe para mapanood ang video.

‘Model City’

Sa launch ng “Disiplina Muna” campaign kamakailan,  ibinigay ni DILG Secretary Eduardo Año kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang “Seal of Excellence in Governance” award para sa Marikina City. Dito ay hiningi niya rin ang permiso ni Teodoro na idokumento ang “best practices” ng lungsod para gawin itong modelo sa ibang mga lugar sa bansa.

“Mayor [Marcy] kung papayag ka, ang mga best practices na inyong ginawa ay ido-document namin ito at isha-share namin sa lahat ng mga mayors, governors ng cities, at mga probinsiya at bayan sa buong Pilipinas,” hiling niya.

Positibo naman ang naging tugon dito ng alkalde.

Congratulations po sa inyo!

Image via Marikina LGU

Loading…