Na-miss mo ba? Classic Pinoy chocolate na Serg’s, nalalapit na ang pagbabalik

Images via Klasik Titos and Titas of Manila, and Serg's Chocolates | Facebook
  • Isa sa mga paboritong tsokolate noon ang Pinoy chocolate na “Serg’s”
  • Noong 2001, nag-file ang “Serg’s” ng bankruptcy at yuma0 rin si Sergio “Serg” Goquiolay
  • Nitong Linggo, November 24, kinumpirma ng manugang ni Sergio na si Randy Ong na kasalukuyan niyang isinasaayos ang lahat para sa pagbabalik ng classic Pinoy chocolate

Masarap, gawa sa Pilipinas, paborito ng mga Pilipino — ito ang classic Pinoy chocolate na “Serg’s”. Mahigit isa’t kalahating dekada na simula noong nawala ito ngunit hanggang ngayon ay hinahanap-hanap pa rin ng mga Pinoy ang klasik na tsokolateng bumuo sa kanilang kabataan.

Image via Serg’s Chocolates | Facebook

Paano kung bumalik ang tsokolateng ito?

Sa Facebook page nito na Serg’s Chocolates, nakalagay na pinned post ngayon ang artikulo mula sa panayam ng Inquirer sa manugang ni Sergio Goquiolay na si Randy Ong. Dito, kinumpirma ni Randy na paunti-unti ay sinusubukan niyang ibalik ang iconic chocolate sa mga taong nagmamahal dito hanggang ngayon.

Kasaysayan: Ang pagdating at pagkawala ng Serg’s 

Ang “Serg’s” ay ipinangalan kay Sergio Goquiolay; ang anak ng founder nito na si Anton Goquilay. Taong 1954 nang simulan ni Anton ang Serg’s Products, Inc. at ang naging flagship nito ay ang Serg’s Candy Bars.

Dahil sa pagiging masarap, talagang tinangkilik ng mga tao ang “Serg’s”. Sa loob ng halos limang dekada ay marami ring pinagdaanan ang Pinoy brand ngunit lahat ay nalampasan nito; sa tulong na rin ng napakaraming tao na tumangkilik at nagmahal sa brand na ito, na hindi naging bahagi ng mga ordinaryong araw man o ng mga selebrasyon.

Gayunman, noong 2001 ay nag-file ang “Serg’s” ng bankruptcy at sa taong din iyon ay yuma0 si Sergio.

Image capture from Facebook

Kasaluyukan: Ang paghahanada sa nalalapit na pagbabalik

Sa eksklusibong panayam sa kanya, ibinahagi ni Randy na iniwan niya ang trabaho niya sa United States at ngayon ay naglalayong simulan muli ang pagma-manufacture ng mga tsokolate gamit ang orihinal na recipe nito.

Halos tapos na raw ang binuo niya muling pagawaan ng tsokolate. Bukas din daw sila sa investment mula sa mga naniniwala sa mga posibilidad na dala ng comeback ng Serg’s.

Bagama’t marami nang mga nagsulputan at sumikat na brands ng tsokolate simula noong mawala sa eksena ang iconic chocolate, nananalig at handa raw si Ong. Anila, “You won’t have any success unless you have failure in the sense that you will not be able to learn anything. Just look back at the history of this company.”

Alamin ang untold stories tungkol sa Serg’s — at kung ano na ang status ngayon ng nagbabalik na classic chocolate — sa article ng Inquirer na Beloved Serg’s stages a comeback.

Samantala, looking forward kami sa iyong pagbabalik, Serg’s!

Loading…