Neri sa suporta ng mister: Ang saya na may kalayaan akong mangarap ng mas malaki

Images via @mrsnerimiranda | Instagram
  • Nagpapasalamat ang actress-entrepreneur na si Neri Naig sa suportang ibinibigay sa kanya ng asawa na si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda
  • Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Neri na nagiging mas inspirado siya dahil sa pagmamahal, suporta, at paniniwala ng kanyang mister
  • “Ang saya na may kalayaan akong mangarap nang mas malaki,” wika niya

Sa kabila ng pagkakaroon ng malaking responsibilidad bilang asawa at ina, hindi kinailangang tapusin ng aktres na si Neri Naig ang paglalakbay niya patungo sa kanyang mga pangarap — salamat sa kanyang mister na si Chito Miranda.

Image via @mrsnerimiranda | Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng actress-entrepreneur kung gaano siya nagpapasalamat sa suportang ibinibigay sa kanya ng  Parokya ni Edgar frontman; kung gaano siya nagiging mas inspirado dahil sa pagmamahal, suporta, at paniniwala ng kanyang mister.

“Pagkatapos ng maghapong trabaho at meetings, ang sarap na uuwi ka sa tunay mong bossing, hihi! Bago niya ako sinundo galing sa trabaho, hinayaan n’ya muna akong magpa-spa, body scrub, at facial for three hours! Day off na day off ko, haha!” pagbabahagi ni Neri sa caption ng litratong kanyang ibinahagi.

“At nang nakauwi na kami, niyakap ako ng asawa ko at bumulong na, ‘Baby, I just want to tell you that I am so proud of you at sobrang bilib ako sa ‘yo. I want you to excel. Gusto ko nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin at kailangan mong gawin. Gagawin ko lahat para suportahan kita.’ Awwwwwwww,” pagpapatuloy ng tinaguriang “Wais na Misis”.

Aniya, sobrang nakakatulong sa kanya ang mga ginagawa ni Chito para ipakitang nasa tabi lamang niya ito.

Image capture from Instagram

“Ang sarap-sarap marinig. Nakakawala ng pagod. Mas lalo akong na-inspire to be a better person every day. At ang sarap at saya lang na mas may kalayaan akong mangarap nang mas malaki,” wika niya.

“Mas lalong walang imposible dahil alam kong may supportive husband ako na gagabayan, mamahalin, at aalagaan ako,” dagdag pa ng aktres.

Source :

Instagram

Loading…