Nostalgia: Ang excitement na nadarama kapag ang ipina-develop ay nariyan na

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Nagbalik-tanaw ang social media users sa excitement na hatid ng mga naka-envelope na litratong kade-develop pa lamang
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami kung gaano sila kasabik na makita ang nilalaman ng envelope na ito
  • Pagbukas kasi ng lalagyang ito ay unang beses din nilang makikita ang mga litrato matapos makuhanan 

Iba ang halaga noon ng mga litrato. Kung ngayon ay mapakadali na lamang kumuha, magpadala, at mag-print ng larawan, noon ay marami pa muna itong pagdadaanan bago mo makita kung ano ang hitsura ng mga nakuhanan.

Image capture from Facebook

Kaya naman ganoon na lamang ang pananabik na nararamdaman kapag natatapos nang i-develop ang mga larawan.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami kung gaano sila na-excite na makita ang nilalaman ng envelope na pinaglalagyan ng mga ipina-develop na litrato.

“Dami ko rin nagastos diyan sa pagpapa-develop, tapos may free pang film! Picture ulit. Saya!” ani Raquel Barnido.

“Nakaka-excite kasi pag-wait mo one or two days, p’wede na kunin ‘yong pina-develop. Pagbukas ng envelope, excited makita mo ‘yong mga picture mo. ‘Yong iba ngiwi mukha at blurred pa. Now, kapag ‘di mo type, ide-delete na lang tapos ayos na,” wika Facebook user na si Evelyn Toche.

“‘Yong excited ka makita ‘yong mga picture na pina-develop mo maghihintay ka two to three days tapos excited ka buksan ‘yong envelope para tingnan ‘yong mga picture,” pagbabalik-tanaw ni Liza Mendiola Dizon.

“Bago pa nauso ang portable cameras, kailangan pa ng pamilya namin noon na pumunta sa photo studio kapag anniversary ng parents namin para magpa-picture,” pag-aalaala ni Areola Adelberto.

Image capture from Facebook

Ikaw, ano-ano ang hindi mo makalilimutan sa old school na pagkuha at pagpapa-develop ng litrato? Lagi ka rin bang excited sa kung ano ang laman ng envelop?

Source :

Facebook

Loading…