Nostalgia: Laruang trak na yari sa lata, nagbalik ng maraming alaala

Image capture from Facebook
  • Naging libangan noon ng mga bata ang laruang trak na yari sa lata
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng mga “young once” ang mga alaalang kakabit ng maituturing na ngayong klasik na laruan
  • Wika nila, simple lamang ang kanilang kabataan ngunit masaya at kuntento sila

Bago pa nauso ang mga de-remote na laruang sasakyan, naging libangan muna noon ng mga bata ang laruang trak na yari sa lata; simple, hindi kasing kulay at kasing moderno ng mga laruan ngayon, ngunit talaga naman daw pinasaya sila noong kanilang panahon.

Image capture from Facebook

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng mga “young once” ang mga alaalang kakabit ng maituturing na ngayong klasik na laruan.

Saad ng admin ng page, “Bago nauso ang remote control cars, heto lang sapat na.” Agad namang tumugon ang mga batang nakapaglaro nito noon. Wika nila, simple lamang ang kanilang kabataan ngunit masaya at kuntento sila.

“Halos lahat ng mga laruan ko noon gawa lang sa lata. Binilog na lumang tsinelas ang gulong. Tinatalian lang then hinihila sa kalsada. May karga din na konting buhangin. Ang saya-saya na,” pagbabalik-tanaw ng social media user na si Mitchell Ray Recurtobie.

“Noong bata pa ako! Mga sampu kami sa Iloilo. Sa kalsada, nakahilera kami na may tali sa unahan at may kandila sa likod. Nagpaparada kami sa kalsada. Relate na relate ako rito,” ani Noel Fuentes Toriado.

“Masaya na ang mga bata noon kahit ganyang yari sa lata,” kuwento naman ni Emy Villapando Awat.

Image capture from Facebook

Ikaw, nakagawa at nakapaglaro ka rin ba ng sarili mong laruang truck? Naitabi mo pa ba ang kahit isa lamang sa iyong mga naging trak-trakan? Ano-anong mga alaala ang ibinalik sa iyo ng litrato? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Source :

Facebook

Loading…