Nostalgia: Nawili ka rin ba sa mga comic strip na nasa balat ng Bazooka?

Image capture from Facebook
  • Bukod sa lamang bubble gum, ang nagustuhan noon sa Bazooka ay ang mga comic strip na kalakip nito
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga alaalang dala ng old school bubble gum na may comic strip sa pabalat
  • Pinuri nila ang pagiging masarap nito at ang mga maiikling kuwentong masarap basahin at kolektahin pagkatapos

Inaabangan mo rin ba noon ang comic strip sa tuwing bibili ka ng bubble gum na Bazooka?

Image capture from Facebook

Bukod sa laman nitong bubble gum, isa sa mga nagustuhan noon sa Bazooka ay ang mga comic strip na kalakip nito. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga alaalang hatid sa kanila ng old school bubble gum na may comic strip sa balat. Pinuri nila ang pagiging masarap nito at ang mga maiikling kuwentong masarap basahin at kolektahin pagkatapos.

“‘Yong nagbabasa ka habang ngumunguya,” saad ng admin sa caption ng litratong ibinahagi nito sa page.

“Helped me learn to read and speak English when I was very young; on top of being my favorite bubble gum! Bazooka Joe! Where are you now?” kumento ng Facebook user na si Daniel Villacrusis.

“Isang shoe box naipon kong comics niyan. I was saving them for my future children sana noon kaso may nagbiro, nawala bigla. Saka ‘yong ‘Ziggy’ na figurine na free sa Tang juice ba ‘yon? Lahat ng daliri ko sa kamay at paa mayroon,” pagbabahagi ni Ellen-Rod M. Habana.

“Torpe pa ako that time. Pabili-bili pa ng Bazooka, ‘di pa rin naman masasabi. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi na mahal ko siya,” kuwento ni Ollegru Lekim.

Image capture from Facebook

Ikaw, bumibili ka rin ba lagi noon ng Bazooka? Inaabangan mo rin ba ang comic strip na nasa balat nito?

Source :

Facebook

Loading…