Pagbunot ng puting buhok, raket ng bawat batang Pinoy noon

Imahe [email protected]' Best } Facebook
  • Ipinost ng Philippines’ Best Facebook page ang larawan ng  pagbunot ng puting buhok na may kapsiyon na “Every Filipino kid’s source of income”
  • Marami ang naka-relate dito at ibinunyag kung magkano ang kanilang singil sa pagbunot
  • May iba namang masaya na sa kapalit na meryenda

Noong unang panahon, ang pagbubunot ng puting buhok ay kasama na sa bonding moments ng mga magulang at anak tuwing hapon.  Kada Sabado at Linggo at  tuwing summer, humanda ka na’t tatawagin ka ng nanay o tatay o lolo at lola mo upang ipasuyo ito. Nagsisimula ito sa palibre-libre lang na libangan subalit kapag walang pasok, tiyak na nagkakaideya ang kabataang Pinoy na kumita.

Imahe via @Philippines’ Best | Facebook

Kaya noong ipinost ang larawang ito sa Philippines’ Best na Facebook page, hindi ito pinalampas ng mga netizens.  Dumagsa ang mga kumento hindi lamang ng mga nakaranas nang bumunot ng puting buhok kundi kasama na rin  ang mga nanunuyong magpabunot nito.  Sa pagbabasa ng mga kumento, mararamdaman mong kay sarap balik-balikan ng gawaing kasama nang naghulma sa pagiging madiskarte ng kabataang Pilipino.

“Hahaha, this is one of those things that kids now do not experience. It was a way of bonding with parents too.  Those were the days.”  Mayron pa bang gumagawa nito ngayon?

At magkano naman ang bayad kada piraso?  Sa kanilang pagbubunyag mayroong piso kada piraso, 25 centavos/buhok, 10 centavos/buhok (1993-1995), may pakyawan naman sa halagang P500-P1000 kada sesyon,  at sa iba’y kusang loob na ibinibigay ang serbisyong ito na libre sa kanilang magulang.

Image via Facebook | Lei Torres

“Yes, done this with my “impo” just to earn candy name “tira-tira”.”   Ang iba nama’y kendy ang kinita.

“Piso isa kay papa. Lolo ko ito tas may RC pa ako pagkatapos.”  Masuwerteng bata.  Hindi lang kumita ng pera.  May pasoftdrinks pa ang Lolo niya.

Sa panahon ngayong ang libreng oras ng kabataan ay napupunta sa paglalaro ng  mga gadgets. Mayroon pa bang puwedeng masuyo para gawin ito sa kanilang mga magulang?

Source :

Facebook

Loading…