Pera nahuhugot ng mga mamimili at nagtitinda ng ukay-ukay: 1 million Argentine pesos natagpuan

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo Jessica Soho |YouTube
  • Hindi lang damit ang nakikita sa ukay-ukay kundi pati na rin pera na karamiha’y nakasuksok sa mga bulsa
  • May mga nakakahugot ng Hongkong dollars at Chinese Yuan
  • Mayroon ding nakakuha ng anim na piraso ng 1 million Argentine pesos 

Gusto mo bang bumili ng damit pero gipit ka sa budget? Tara na sa ukay-ukay!

Imahe mula sa Pixabay

Talagang ‘di maikakailang takbuhan ng ibang  fashionista ang ukay-ukay dahil sa laki ng puwedeng matipid mo  rito.  Subalit hindi lang damit ang puwedeng mahanap sa ukay dahil kapag sinuwerte ka nga naman, maaaring pera o alahas ang madukot mo sa mga bulsa ng damit.

Si Sandie Peteros ay bumibili sa ukay ng jacket tuwing umaakyat ng bundok.  Minsan na rin siyang nakakita ng 100 Hongkong Dollars sa bulsa ng jacket.  Sa foreign exchange ito ay may halagang P650 pesos.  Nakabawi na si Sandy dahil ang nabili niyang jacket ay nasa P500 lang.

Sa warehouse ni Lorevie sa kanyang ukay-ukay online business sa Lapu-lapu City, Cebu  palagi umanong may pera na nahahanap kada bundle. Minsan na rin siyang nakahugot ng 220 Yuan o halos dalawang libong piso.  Nakakuha na rin siya ng mas malaki pa —- 600-700 Yuan na katumbas ng limang libong piso.

Si Badang ng Quezon City ay nakahanap naman umano ng anim na piraso  ng 1,000,000 Argentine pesos! Nang tiningnan ng anak niya ang halaga nito sa Philippine peso, aabot ito ng Php 1.4 million.  Pinatingnan sa isang numismatist na si Walter ang perang papel na natagpuan ni Badang.   Kung ipapapalit daw sa kasalukuyang foreign exchange ang perang ito ay aabot ito ng P5 million.

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo Jessica Soho |YouTube

Pinagplanuhan naman agad ni Badang kung saan mapupunta ang pera tulad ng  pagpapagawa ng bahay, pambayad utang, matrikula at ipamamahagi sa mga kamag-anak na nagangailangan.

Subalit ang perang ito, totoo man ayon kay Walter, ay hindi niya na alam kung magkano sa Philippine peso dahil sa hyperinflation. Matagal nang ipinatigil ang sirkulasyon nito kaya hindi na ito umiikot sa merkado.

Nang pinatingnan din ito sa isang currency expert, nasa P8,600 daw ito ngayon base sa P617 na halaga nito noong 1983.  Ngunit demonitized na ito o wala nang halaga.  Gayun din ang pahayag ng embahada ng Argentina.

Tanging pag-asa na lamang ni Badang ay maibenta ito sa mga  coin at paper bill collectors.

Panoorin ang video na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

Loading…