“Remembering my grade school days”: Hanggang saan umabot ang lapis mo?

Imahe mula kay @MissMinchin | Reddit
  • Isang post sa Redddit tungkol sa lapis ang nagpabalik-tanaw sa mga netizens sa kanilang “grade school days”
  • Ayon sa ilan, may iba na kinakagat ang dulo ng lapis upang lumabas ang eraser at may nagngangatngat din sa katawan nito
  • Yong iba naman ay hindi na umaabot sa ganitong ikli ang lapis nila dahil sa nawawala na ito at mayroon ding gumagamit ng pencil extenders para kahit maikli na ay napapakinabangan pa rin

Parte na ng buhay ng bawat estudyante ang lapis. Bata pa lang tayo, ito na ang pinakaunang  ginagamit nating panulat. Dito na tayo natuto sa pagporma ng bawat titik at ang nakadikit nitong eraser ang nagbubura naman ng bawat mali nating naisulat. Subalit hanggang saan ba ang inabot ng itsura ng lapis mo?  Kailan mo ba sinabing tama na bago ka kumuha ng panibago?

Imahe mula kay @MissMinchin | Reddit

Sa isang post sa Reddit na pinamagatang “Remembering my grade school days”, marami ang naka-relate sa larawan ng apat na maikling lapis.  Ang pangalawa ay pinatulis pa ang magkabilang dulo. Sinariwa ng mga netizens ang  kanilang karanasan.

“The smaller the cooler you are.”

“Wait, nasaan yong black na lapis na may kasamang eraser na lalong dumudumi yung papel pag ginagamit?” tanong ng isang  netizen na nahalata agad na may kulang.

“Yun yong papel ang binubura,” sagot sa kanya. Naalala ba ninyo ito?

Mayron namang nagpaalala sa jumbo na lapis na itim din ang kulay.  Goliath pencil daw ang tawag dito.

“Kinakagat ko yung bakal kapag pudpod na yung pambura para lumabas,” aniya ng isa pa.  Halos lahat yata ang nakagawa niyan sa lapis nila.  Ang pambura sa dulo ng lapis ay mas nauuna pang maubos kaysa lapis mismo kaya karaniwang kinakagat ang bakal upang  mailabas ang natitira pang eraser.

Imahe mula Pixabay

Samantala, nagawa n’yo na ba ito? “Yung tipong wala nang pambura ‘yung lapis mong malapit na mabulok tapos lalawayan mo yung daliri mo sabay kiskis sa papel para lang mabura yung sulat mo tapos nabutas din papel mo?  Lupet eh! Hahaha!” paalala ng isang netizen.

“Need more bite marks.”  Classic yata ang itsura ng lapis na may kagat, hindi lang sa bandang bakal ng eraser kundi pati na sa katawan mismo?

May nakapagkuwento rin na hindi na umabot sa ganong kaliit ang lapis niya dahil nawawala ito.

“Never ko pa to na experience, yung umabot sa ganyan kaiksi ang pencil. Lagi na lang nawawala yung pencils ko dati haha.”

“Awww… Minsan kapag nawawala yung lapis ko natatakot na akong umuwi, kasi hahanapin ng nanay ko,” dagdag ng isa pa.

Imahe mula kay @enduredsilence |Reddit

Sino rin ang nakagamit ng pencil extenders? Napakaepektib nito upang mas “humaba pa ang buhay” ng lapis.

Ito ang iilan lamang sa karaniwang kuwento ng estudyanteng nakagamit ng lapis.  Nakatutuwang balik-balikan ang buhay estudyante ano?

Ikaw, ano ang kuwentong lapis mo?

Source :

Reddit

Loading…