Using trash to block trash? “Biofences” of Cebuanos earn praises

Imahe mula sa Barangay Poblacion, Sibonga, Cebu | Facebook
  • Marami ang pumuri sa post ng Barangay Poblacion, Sibonga, Cebu. sa kanilang Facebook Page
  • Ito ang “biofences” na lampas isang taong nang ginagamit sa Cebu bilang panangga sa mga basura upang hindi tuluyang dumiretso sa dagat
  • Ang ideyang ito ay orihinal na gawa ng bansang Guatemala nang minsan ay nagkaproblema sila sa basura sa  dalampasigan

Isang pandaigdigang problema ang pagtatapon ng plastic kahit saan.  Ayon sa National Geographic,  halos 8 million tonelada ng plastic ang napupunta sa dagat kada taon.  Kasabay nito ang pagkakaroon ng panganib sa mga lamang dagat kung kaya’t napakahalagang masolusyunan kung paano ito mapipigilan.

Imahe mula sa @Barangay Poblacion, Sibonga, Cebu | Facebook

Kamakailan lang ay agaw-pansin ang post ng Facebook page na Barangay Poblacion, Sibonga, Cebu.  Makikita sa post ang pag gawa ng mga tao ng panangga sa basura ng dalampasigan upang hindi ito mapupunta sa dagat.  Ang mga patapon nang plastic ng inumin ay pinagdudugtong-dugtong sa loob ng net upang magsilbing floater sa dagat na siyang pipigil sa basura.  Pinangalanan itong “garbage trap”

Marami ang pumuri sa simple at murang paraan na ito.

“Yes, this is a good idea. I think banning the sale and usage of “one-time-use” plastics and recycling the empty bottles of soft drinks as well are the best solutions. Another is to oblige the manufacture of the drinks to buy recover back their empty bottles.”

“Wow! Nice sana tularan yan especially yung mga iba na nagtatapon nng basura kahit saan.”

“Using trash to block trash.  Smart play.”

Ayon sa aming pagsisiyasat, “biofences” ang tawag dito na isang taon nang proyekto ng Cebu City Environment and Natural Resources Office (CCENRO).  Ang ideyang ito ay nagmula pa sa Guatemala na  naging epektibo at kinopya ng iba.

Imahe kuha mula sa @Cebu City Environment and Natural resources Office-CCenro

At ganyan nga ang gustong mangyari ng ibang netizens sa kanilang lugar.

” Marikina PIO Manila Public Information Office Isko Moreno Domagoso Vico Sotto can we do this along Marikina/Pasig River all leading to Manila? Thanks!”

‘ Dapat ganito ginagawa sa river drive sa Las Pinas.”

Subalit para sa iba, sa ating mga sarili pa rin dapat magmumula ang disiplina.  Malaki nga ang ating kontribusyon sa suliraning ito.  Kahit ang simpleng pagtapon ng balot ng kendi sa basurahan ay hindi magawa ng iba.

Ang post ay umabot na sa  5k reactions at 21k shares.  Napakabuting  hangarin ang naibahagi ng mga taga-Cebu  sa kanilang lugar na hanggang ngayon ay patuloy  pa rin nilang ginagawa.

Sana’y madadagdagan pa ang mga gagawa rin ng ganito.

Loading…