“Walang Forever”: Sari-saring hugot ng mga netizens sa paghihiwalay nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini sa sampung piso

Imahe via @Memashare Ko Lang at MichaelFritz LaraAfrica Villegas? | Facebook
  • Kung may nagkakahiwalay sa pag-ibig, mayron din sa pera
  • Nagpahayag ang mga netizens sa Facebook ng kanilang reaksyon sa pagkakahiwalay nina Apolinario Mabini at Andres Bonifacio sa sampung piso na may hugot na “walang forever”
  • Ayon sa isang netizen, mas mabuti na raw ang magkahiwalay para mahanap ang halaga ng bawat isa

“Walang forever!” Yan ang karamihang linya ng mga sawi sa pag-ibig.  Subalit alam n’yo bang hindi lang sa pag-ibig may nagkakahiwalay?

Imahe via @ Memashare Lang | Facebook

Pati sa pera.  Oo, nasa pera na nga nagkakahiwalay pa!  Isang larawan ng sampung pisong barya kung saan magkasama sina Apolinario Mabini at Andres Bonifacio ang inupload ni Memashare Lang sa Facebook. Subalit sa bagong labas na mga barya ay magkahiwalay na sila. Mag-isa na lang si Apolinario Mabini sa sampu dahil nasa limang pisong barya na si Andres Bonifacio.

Dumagsa ang mga netizens na nagbigay ng kanya-kanyang hugot sa paghihiwalay na ito. “Mas mabuti ng nagkahiwalay sila para mahanap ang halaga ng bawat isa,” ang sabi ng isang netizen.

“Kaya siguro naghiwalay sina Bonifacio at Mabini sa 10 pesos kasi ginawan ng issue si Aguinaldo at Bonifacio.”

“Mas malaki na kase ‘yong halaga ni Apolinario Mabini kaysa sa dati. Bakit gano’n ‘yong tao, porke mas mataas na sila sa ‘yo. Iiwan ka na nila, ang daya no.”

“The message is very very clear bawal magsama ang kapwa lalake.  Walang forever.”

“Trapik lang may forever.”

Imahe via @MichaelFritz LaraAfrica Villegas? | Facebook

May isang post din ang kahalintulad nito.  Hindi lamang sa barya dating nagsama sina Apolinario Mabini at Andres Bonifacio.  Pati na rin sa sampung pisong papel.  Ito ang inupload ni MichaelFritz LaraAfrica Villegas sa FB page na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s).

Sa tanong na “Pinaghiwalay din ba kayo ng panahon?” ay narito ang sagot ng mga netizens.

“Dati kasi may papel ka pa sa buhay niya. Ngayon barya ka na lang.”

“Para matuto tayo tingnan mabuti ang halaga. Hindi ‘yong basta mo na lang bibitawan. 10 pala kala mo 5 lang. Haha.”

Iilan lamang ito sa mga nakatatawag pansin na komento ng mga netizens.  Ikaw? Naniniwala ka pa ba sa forever?  Ano ang kuwentong “forever“ mo?

Loading…