Walang iwanan! Mga aso’t pusang nakasabit sa sasakyan, kasama sa paglilipat-bahay

Imahe via @NIts Javier | Facebook
  • Isang larawan kung saan may mga nakasabit na alaga sa sasakyan ang ibinahagi ni Nits Javier sa Guardians of the Fur Facebook page
  • Ang inakalang pagmamalupit sa mga hayop ay naglipat-bahay lang pala
  • Pinuri  ng mga netizens ang hindi pag-iwan sa mga alaga at paghanap ng paraan para mapasama sila sa biyahe

Minsan  may mga malalaking desisyon na nangyayari sa ating buhay.  Isa na rito ang paglilipat ng bahay.  Kailangang lumipat dahil sa trabaho, sa pag-aaral, may bagong titirhan o sa iba pang dahilan.  Datapwat,  maliban sa pagsisigurong dala natin lahat ang mga kagamitan sa bagong destinasyon, isinaalang-alang din ba natin ang ating mga alaga sa bahay?

Imahe via @Nits Javier | Facebook

‘Yan ang nagpasikat sa larawang kinagiliwan ng mga netizens sa Facebook page ng Guardians of the Fur.  Ibinahagi ni Nits Javier ang larawan ng isang sasakyan na punung-puno ng mga gamit sa bahay.  Subalit mas nakatatawag-pansin ang mga alagang hayop na nilagay sa sako at sa crate para masigurong makasama sa biyahe.

May tatlong alagang aso at dalawang pusa ang napapaloob sa kanilang  mga pinaglagyan at nakasabit sa sasakyan.  Malamang kapos sa budget ang may-ari at ito lang ang naisip niyang paraan sa pagkarga sa kanila.

Sa unang tingin, akala ng iba’y pagmamalupit ito sa mga hayop ngunit nang nakita nila na may higaan at mga gamit sa bahay, naintindihan nilang lipat-bahay pala ito.

Marami ang pumuri sa ginawa ng may-ari na hindi pag-iwan ng kanyang mga alaga.

Imahe via @Kikay Pokikay | Facebook

“Hats off po sa’yo. Ikaw po ay isa sa mga TRUE GUARDIANS OF THE FUR. God bless po!”

“Mas ok na ‘yan kaysa iwan sila at maging stray dogs and cats.”

“Huwag na kj buti nga ‘yan sinama lahat ‘di tulad ng iba pag lipat hindi sinama.  Di bali mukhang Christmas tree ang paglipat kasama naman lahat.  Babawi si amo niyan.  Sarap pagkain niyan pagkatapos.”

“‘Yong mga doggies kahit nakasako mga nakasmile. Hehe.  Mukha namn silang enjoy sa sako trip nila. Hehe.  Huwag lang sana silang  tumalon.”

Ang post na nagpangiti at nagpatawa sa mg netizens ay may halos 6k reactions at 2.4k shares.

Hanga kami sa may-ari sa pagpapahalaga ng kanyang mga alaga.  Sana’y nakarating sila nang maayos at ligtas sa bagong nilipatan.

Source :

Facebook

Loading…