‘Wild Little Love’: Unang digital film ng rising love team na SethDrea, mapanonood na

Images via iWant and Andrea Brillantes
  • Mapanonood na sa iWant ang unang digital film ng rising Kapamilya love team na SethDrea
  • Sa pelikulang “Wild Little Love”, ginagampanan nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ang karakter nina Jake at Sam
  • Si Jake ang lalaking babago sa maarte at pasaway na rich kid na si Sam

Tapos na ang paghihintay ng fans ng rising Kapamilya love team na SethDrea! Mapanonood na ngayon sa iWant ang unang digital film na pinagbibidahan nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

Image via Seth Fedelin | Instagram

Sa Instagram, hinikayat ng mga bida ng pelikula ang kanilang followers na manood sa online streaming app na iWant. Umiikot ang kuwento ng “Wild Little Love” sa dalawang estudyante na sina Jake Anunsacion Cruz at Sofia Maxine Paulette “Sam” Santiago Pangilinan.

“Si Jake po is estudyante siya sa public school and iyong buhay niya, simple lang. Mahilig siya sa camera,” ani Seth.

Pagbabahagi naman ni Andrea, si Jake ang lalaking babago sa maarte at pasaway na rich kid na si Sam.

“Laki sa yaman. Sobrang arte, super wild, matigas ulo, puma-party, mabarkada. Ginagawa niya kasi para magpapansin sa parents. One time, medyo nasobrahan iyong ginawa niya. Ang parusa sa kanya, tatanggalin lahat ng benefits sa kanya. And from international school for senior high, ililipat siya sa public school. Noong pumunta siya sa public school at nakilala niya si Jake, mas sumimple siya at natutunan niya kung ano talaga ang buhay,” wika niya.

Ang “Wild Little Love” ay ididirehe ni Benedict Mique at kabibilangan ng iba pang mahuhusay na artista sa Philippine showbiz; kabilang na sina Carmina Villaroel, Alfred Vargas, Victor Neri, Jin Macapagal, and Criza Ta-a.Unang nakilala, minahal at kinakiligan ang tambalang SethDrea sa hit afternoon series na “Kadenang Ginto”.

Kamakailan, nagkuwento sina Seth at Andrea tungkol sa upcoming digital film nila na “Wild Little Love”:

Loading…